Q: Anong bwan dapat may hulog para maka avail ng Maternity Benefits(monetary)
A: Step 1. Alamin kung pang ilang quarter pasok ang iyong Due Date.
(Ex. May 2021 ay pasok sa 2nd quarter)
Jan,Feb,Mar- 1st Quarter
Apr,May,Jun-2nd Quarter
July,Aug,Sep-3rd Quarter
Oct,Nov,Dec-4th Quarter
Step 2: Pagsamahin ang quarter ng iyong due date at ang quarter na sinundan nito upang malaman ang iyong semester of contingency.
EDD:May 2021-2nd Quarter
(Ex. 1st Quarter + 2nd quarter)
January2021 to June2021 (semester of contingency)
Step 3: Bumilang ng 12months bago ang iyong semester of contingency sa loob ng 12months na ito dapay ay may hulog kayo ng atleast 3 months.
(Ex. Kung January2021 to June2021-ang semester of contingency 12months bago ang January 2021 ay dapat may hulog ka na atleast 3 months ito ay ang buwan ng January 2020 hanggang December 2020 ( kahit tatlong buwang hulog lamang sa loob nito ay makaka avail ka ng benefits) ☺ #SSSMaternitybenefit #SSSMaternity