ask lang po ( teen pregnancy)

pwede poba tong inumin ng buntis? namamaga po kasi ang kalmot ng pusa saakin at ito po ang pinapainom hindi po kasi makapag ano sa ob hindi po kasi ako makalabas at yung partner kopo nasa hospital nag babantay ng lola nya po salamat #1stimemom

ask lang po ( teen pregnancy)
14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Baka may guardian ka na pwede makasama, para kahit hindi mo hintayin 'yung availability ng partner mo. Pwede rin kasi ma-transfer 'yung rabies kahit kalmot lang ng pusa. Hopefully walang rabies 'yung nakakalmot sa'yo. Also, better na mag-consult muna sa OB bago mag-take ng any medications. Hindi kasi tayo pwede basta basta uminom ng meds and 'yung antibiotics, usually pinapainom siya for 7 consecutive days. Again, for you and your baby's safety, ask your OB po muna.

Magbasa pa

Yan dadalawang amox lang ba ang meron ka? Sa ganyan bilang palang mali na agad e. Saka wag ka magself medicate lalo na antibiotic may tamang days at bilang ang inom nyan kaya di dapat basta2x Saka ilan days na yan kalmot? Lamo ba posible may dalang rabies din ang kalmot ng pusa. Kaya dapat patingnan mo na yan

Magbasa pa
TapFluencer

Wala po ba kayong anti tetanus na vaccine? kasi kung indoor cat lang sya no need for anti rabies. ako kasi ilang beses na nakalmot ng pusa ko. Wag po kayo basta basta uminom ng antibiotics kasi pili lang pwede. At hindi sya isang take lang, may specific days at dosage ang pag inom nyan

3y ago

basta mamsh wag magttake ng antibiotic na hindi recommended ni OB. kung namamaga po at lalo na pala eyelid yan, punta na kayo sa doctor nyo just to be sure. ako kasi laging nakakalmot pero di naman ako nagpa anti rabies pero importante ang anti tetanus.

TapFluencer

Since nakalmot ka ng pusa ma’am, pumunta po kayo sa barangay health centers baka need niyo po bigyan ng anti-rabies and since buntis po kayo, sila na rin po mag-aadvice kung ano pong pwede niyong gawin. Hindi po kayo pwedeng mag-self medicate dahil po baka mapano po si baby.

naku antibiotics pa wag basta basta uminom ng gamot kung di prescribed ng doctor lalo n buntis ka ska yng antibiotic d pwede inumin yn ng basta basta. wala k b pwede iba kasama papuntang ob kahit kaibigan mo?

wag po uminom ng kahit na anong gamot hanggat walang go signal ng OB at baka makasama sa baby. Pwede kang magpasama sa kahit na sino dyan sa inyo para makapag pa check up kahit sa mga health center lang

TapFluencer

Wag po tayo uminom ng meds basta basta. Best din po to have it checked sa OB or go for your first prenatal appointment para masure po yung safety niyo at ng baby mo.

Better paconsult kapo antayin mopo na may kasama ka wag kapo muna basta basta iinom ng gamot na walang pahinlot ng ob or sa center

bawal pong uminom ng kahit na anong gamot na di recommend ng ob kase po makakasama kay baby please wag mo po inumin.

hindi pwd qng ano ano iniinum pag buntis lalo na mga gamot baka mapano si baby maliban na lng qng si OB nag sabi..

Related Articles