Just a rant.
Pwede po magrant? Wala kasi ako mapagsabihan ngayon. Alam ko kagustuhan ko ang mabuntis pero nahihirapan lang ako sa sarili ko. 37 weeks na po ako. 1am na at eto ako nakahiga sa matigas na upuan sa sala kase di ko na kaya ang ingay ng hilik ng asawa ko, natulog kase na lasing. Bukod pa dun eh inaagawan nya ako ng space sa bed na di gaanong kalakihan. Sobrang iritado na ako pero di ko sya pwdeng gisingin dahil yun ang pinakaayaw nya. Madaming beses na to nangyayare na matutulog syang nakainom kase yun ang pampatulog nya tapos ang ending ang sarap ng tulog nya at lakas dn ng hilik habang ako naghihintay na dalawin ng antok. Sinasabi ko rin naman to sakanya pero usually ang sagot nya, nakatulog naman daw ako eh. Bumawi na lng daw ako sa hapon pagtulog. Eh gabi lang ako dinadalaw talaga ng antok lalo na ngayong 3rd trimester. Haaay.