2mos preggy
pwede po b uminum ng kremil-s ang buntis?
tanong mo po si ob mo. ako nalaman ko na buntis ako 6 weeks preggy na pala ko nun. eh sinisikmura talaga ko, akala ko normal na sikmura lang. di ko alam na buntis na ko. apura pa pacheck up ko sa family medicine doctor sa qualimed..tapos sila din hindi alam kung bakit ako sinisikmura. akala nila dahil nasobrahan na ko sa acid, kakasoftdrinks, kape, maanghang lahat din kasi ng acidic foods and drinks ang hilig ko kahit dati na kong may history ng hyper acidity. kaya pala ko nagpapaconsult sa family med doc kasi sobrang hanggang lalamunan na yung acid ko. acid reflux na siya. Ang lalakas pa ng gamot ko nun. hindi na kremil-s ang nirereseta sakin. Coamoxiclav na. Antibiotic yun. For almost 3 weeks ko siya ininom. Not knowing na nung nagpaconsult ako, 3 weeks preggy na ko.. Nung 3 weeks na pero di pa din nagbabago acid reflux ko plus napansin ko na na hindi pa ko dinadatnan, (don't judge me, talagang baliw ang menstruation ko kaya di ko namonitor agad) nagPT na ko. Medyo fade si second line pero kinutuban na ko na baka buntis ako. Kinabahan na ko nun, may appointment pa ko para sa follow up check up sa fam med doctor ko nun. Pero inuna ko na sa ob muna sa qualimed din. Same clinic lang naman. Sabi ko sa sarili, kundi ako positive na preggy, saka ako tutuloy sa appointment ko sa isang doc para sa hyperacidity ko. Pero ayun, charaaannnnnn.. buntis pala ko. 6 weeks na. At sa loob ng 6 weeks na yun, yung last 3 weeks nga pinapainom pa ko ng gamot sa sikmura ni doc sa fam med. Yun ang una kong concern kay doc ob ko nun, kung di maapektuhan si baby sa tiyan ko. Inassure naman niya ko na walang epekto sa bata yung coamoxiclav na ininom ko for 3 weeks. Kasi daw kahit antibiotic siya, classified siya as B drugs na di harmful during pregnancy. But still, kabado ko talaga. Abay malay ko ba?! First baby ko din haha. Anyways, so yun ang experience ko sa pag-inom ng gamot. Napahaba kwento sorry. Ask mo na lang sa ob para sure po.
Magbasa paNung first trimester ko grabe prang may ulcer ako, hnd nman ako acidic nung d pa ko buntis, pero NEVER ako nag take ng medicine kasi bawal esp. pag 1st trimester masyadong maselan. Kumakain lng ako ng "skyflakes" then drink plenty of water (warm water) yung iniinom ko.
Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-60893)
Safe namab po un Kremil S. Natanong ko po sa ob ko po un before kasi bago ko po nalaman na pregnant ko, gastro po ako una nagpacheck up kasi akala ko ulcer po.
ask ka po muna sa OB mommy.Any medicines na balak mong inumin ay dapat ipinapaalam po muna sa OB kasi maaaring di maganda ang epekto nito sa Iyo at kay baby.
Punta kana n lang sa ob mo momshie. bawal uminom ng anong gamot pag buntis pa lang eh. Pra safe din c baby. ☺️
Yes mamsh safe po ang kremil s. Yan nireseta sakin ng OB ko nung sinikmura ako nung buntis ako. Kaka anak ko lang march 30. Thanks
ang alam ko po bawal yun kremil s kasi ako nun gaviscon ang binigay sakin nung naconfine ako sa hospital
Depende po yan momsh sa health history niyo. please ask your doctor to be sure po
kremil s at maalox ang reseta ng OB ko..safe nmn dn cya..
Momsy of 1 energetic son