19 Replies
Bawal po ang raw sa mga buntis kahit nasa kabuwanan na. At may salmonella bacteria po ang itlog pag raw baka makuha po ni baby. Magtanong po kayo sa ob nyo kung ano dapat gawin para mapabilis ang labor po. Ngayon ko lang din narinig ang tungkol sa itlog na yan.🤔
Di daw po effective Yan, one time nanganak yung pinsan ko, papainumin sana sya ng asawa nya ng hilaw na itlog pero nakita ng doctor yung itlog, Sabi Ng doctor "Ano yan sir?! Gusto mo ipukpok ko sayo yang itlog?" 🤣🤣🤣
Wala nman po connect yung dulas ng itlog sa paglabas ni baby 😅 sa bituka ng tyan nyo po mapupunta yn, hndi po sa pwerta nyo na lalabasan ni baby 😅
Ewan ko nga ba. Hahaha ako nakikinig naman ako sa mga kasabihan. Pero pili lang. Kasi yung iba out of this world talaga e. Walang konek 🤣
Pinainom aq nyan pero sa araw na nglalabor nq.. 👍🏻 Sa youtube nakita q din yan iniinom nila pero malapit na kabuwanan nila..👍🏻
Di naman effective yan sis. Tinry ko lumunok nyan nung naglabor ako kasi kasabihan dn, nahirapan padin ako ilabas si baby.
Big No! Mommy hindi po pwede baka mag ka Salmonella ka. Mga inihaw nga bawal sa buntis yan pa kayang raw talaga.
Mamsh sino po nagsabi sayo niyan?mas makinig ka po sa doctor mo. Baka imbis maging okay,mapahamak pa kayo ni baby.
Naku salamat mumsh, buti nlang hndi ko ginawa! Madami kase nagsasabe na effective daw eh.
huwag po mommy. posible daw po kasi makuha ang salmonella sa uncook na egg.
Thankyouu sa idea sis. Buti nlang nagtanong muna ko at hndi kopa ginawa! Nasusura din ako sa itsura eh hehe
No mommy. Hindi po sya safe baka magka salmonella ka pa po.
Hindi lahat ng kasabihan at lumang paniniwala,okay. Imbis maging ok,baka mapahamak pa kayo ni baby
Kristene Evangelista Mauleon