βœ•

19 Replies

Kaya mo yan huwag mo isipin ang takot. Ang isipin mo lang nakaya nga namin makakaya mo din. Nakaya ko nga mag normal at 37 years old first baby at lahat sinasabi ma cs ako kasi sa edad ko. Mahirap ma cs ang tagal ng recovery mahal pa. Pag normal pagkatapos mo mailabas siya kahit nasa delivery room ka pa parang wala lang. kung hindi lang masakit ang tahi parang hindi ka lang nanganak. Good luck! Kaya mo yan pray ka lang palagi at kausapin mo si baby mo palagi na tulungan ka nya ng hindi kayo mahirapang dalawa.

That is up to you po Mumsh, pwede naman po. Pero pag CS ka sa una, CS na po lahat ng susunod mong baby. It's normal na matakot tayo. But there's no easy way out. CS Mum po ako, and I'm telling you hindi po madali. I'm sure kahit yung OB mo would discourage you na magpaCS for that reason. Just imagine your life after a major operation, things will be a total different po, LEGIT. Pero kung willing ka naman magtake ng risk, then it's really up to you po. 😊

Hello momsh pwede naman siguro. Pero in my opinion, pagkaya normal, normal nalang. Mahirap ma-cs, maliban sa mas mahal, yung recovery at healing matagal, imbes na natutuon na ntin kay baby yung lakas ntin. Saludo po tayo sa mga CS moshies dyan kinaya nila. Pero napakahirap daw, mamaya maging reason din ito ng post partum mo, wag naman sana. Pero pagpray mo po kung ano dapat. Dami po nagppray na ma-normal. hehe. God bless po.

Bat kapo mag papa cs momsh kung kaya nyo nmn po enormal. Ska ob nyo nmn po mkpg decide if e cs po kau or e normal. Pero kung gusto nyo po cs. Its up to you po hekhek ako po FTM din po pero mas gusto ko enormal si baby kc ramdam mo tlga na sa pwerta mo sya iluluwal at sarap sa pakiramdam momsh lalo na pg hinugot si baby sa pwerta mo.

VIP Member

Momsh kung kaya naman po at wala naman pong problem mas maganda pa rin pag normal delivery. Mas mabilis ang healing process compare mo sa cs, tapos mas malaki ang chance na sa 2nd or 3rd baby mo cs ka pa rin. Magastos pa but it's up too you naman po. Opinion ko Lang ☺️

Super Mum

Yes mommy choice nyo pa dn po yun. Para sakin momsh try nyo lang po mapush ang normal kasi para mas mabilis ang recovery nyo at less din ang gastos. Wag nyo po isipin ang takot mommy lahat po tlaga mga mommies dumadaan sa ganyang stage lakasan nyo po loob nyo 😊

Yes po. Yung best friend ko hndi sya candidate for cs, pero nag pa cs sya sa first and second baby nya pero baka dipende sa ob mo kung di ka peperahan i ppush niyang mag normal ka na lg, pero yung iba sympre nirerespeto naman din yung desisyon ng patient.

Ang alam ko po pag nag cs ka sa 1st baby mo ehh sa susunod na magiging baby mp eh cs na tuloy tuloy

Pwde naman mommy , pero try mu muna inormal , kac sobrang hirap po ma CS .. 3weeks palang ako today after may CS at masasabi kong sobrang hirap , lagi akong umiiyak kac nd ko maalagaan ng maaus ung baby ko 😭 gustong gusto ko na gumaLing 😭

Same feeling nung ganyan week ako after ma cs lagi ako umiiyak sa asawa ko kasi diko naalagaan si LO tas need ko magpalakas talaga para kay baby kahit ayaw kuna mabuhay sa sakit hehehe but still nalabanan ko God is good Always 😍😊

Wag sis mas mahirap nag cs .. Mas ok ang normal .. At sasabihin nmaan yan ng doctor kung d tlga normal , i ccs k nila.. Kya mo p yan , normal delivery ako masakit pero kinaya ..

Dont be afraid momsh.. Itry mo rin pong mag normal atleast maranasan mo pong itry hehe pero pag di talaga kaya edi second option kana po 😊 may pang CS ka naman po..

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles