118 Replies
nope .. base po sa Center, bawal daw magpainject pag may sipon, ubo o lagnat c baby . much better na ireschedule nlang po pag magaling ng tuluyan .
From experience ko po for my 2 kids, bawal po magpacmvaccine ang may sipon. Best ti inform na lang din po si pedia kung may sipon si baby.
sabi ng pedia ko pwede naman. binakunahan baby ko last week kahit may sipon. clear naman daw ang lungs at walang fever kaya ok lang.
Ang alam ko po hindi pwede. Kasi yung pinsan ko sinisipon ang baby nya hindi sya pinayagan ng center na magpa vaccine si baby.
no po. resched po dahil hindi rin magiging effective ang bakuna ni baby kung may sipon o ubo siya. better tlga to resched :)
Usually, sa experience namin kaunting sipon or ubo basta unwell si baby, ipinagpapaliban muna ang vaccine. Pedia knows best.
yes, basta hindi po malala ang sipon two po anak ko nag vaccine ng my sipon walang lagnat po tapos hindi barado ilong nila
Sabi po samin sa center bawal po kaya bago sila mag bakuna nag tatanong muna sila if may lagnat, ubo at sipon ang bata
nope, kailangan in good condition ang health niya. madalas tinatanong yan ng pedia bago sila magbigay ng vaccine.
Depende po sa pedia at health center nurse. may iba po na ayaw magbakuna kung may ubo, sipon at lagnat ang baby.