Pwede bang manood ng horror?

Pwede ba manood ng horror ang buntis? O kung hindi pwede anong pwedeng panoorin?#1stimemom #pleasehelp

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

pwede naman..mahilig din ako noong buntis pa ko sa baby ko.. kaya lang dapat iwasan..kasi may tendency kasi na makunan ka or may masamang mangyari sa iyo inyo ng baby mo dahil sa pagkabigla or pagkagulat mo.. kakabahan ka..bibilis tibok ng puso mo..tataas ang heart rate mo..pwedeng tumaas ang BP mo..pwedeng mahirapan ang heart mo..pwede ka mageclampsia/ pre eclampsia..pwedeng mgkaroon ng problema sa supply ng dugo/oxygen sa placenta mo na pwedeng maka affect kay baby.. better watch nalang ng mga videos about parenting tips or taking care of newborn or papano preparation for delivery o kaya naman breastfeeding para somehow may idea ka sa posibleng mangyari.

Magbasa pa

stranger things nga minarathon ko mi mula 1st season to last sa loob ng 1 month okay naman ako kaso nung sinunod ko ung zombie ng korea although di naman nakakatakot..nananaginip na ako ng kakaiba kaya now stop muna ako sa mga horror o nakakagulat pero kung kaya mo naman mi go lang.. naadik naman ako now sa mejo nakakaiyak nramdaman din ni baby naiiyak ako sa pinanuod ko nagalaw sya e parang naiyak hahaha ang cute lang iyak kase ako ng iyak don sa palabas na green mile until now di pa ako nkaka move on sa lungkot ng movie hahaha

Magbasa pa

If magugulatin ka talaga, no. Nung nasa 1st tri ako sobrang hilig ko sa mga patayan movies. Nung 2nd tri at lumaki laki na tyan ko pag nanonood ako ng nakakagulat naninigas tyan ko. Depende pa din naman sayo yan mi. If di ka naman matatakutin and alam mong di ka naman maaapektuhan ok lang naman

okay nman pero advice po sakin iwasan kasi nga nakakataas ng heart rate lalo pag nkakagulat, kasi nagrerelease ng stress hormone pag horror. better stick to funny/comedy na lang :) para happy hormones po.

If it greatly affects your mind and emotions, better not. Lalo na kung may mga words na inappropriate kasi your baby may get affected. Better kung mga positive na shows ang watch mo.

Pwedeng pwede kung favorite mo naman ganyang genre..nung buntis ako since 1st trimester horror pinapanood ko, hindi naman kasi ako magugulatin kaya ok lang yan kung keri mo naman..

ako sis simula mag buntis kinahiligan ko na ang panunuod ng horror haha . simula sa panganay hanggang ngaun sa dito sa pangatlo nanunuod ako .

Pede nmn cgro bsta wg k lng kc mtkot or nagugulat kc nkka apekto yta s bata Aq nanonood dn aq kc prang normal lng,di kc aq matatakutin e

nako momy ganyan din po ako nahilig din po akong makinig at manuod ng horror ngayon buntis po ako

alam ko pwede naman po kasi ako nung buntis ako hilig ko manuod kahit matatakutin po ako hahaha