Gamit ni baby

Pregnant FTM 20weeks Hi mommies! Advisable na ba mamili ng mga gamit ni baby? Gusto ko na kasi sana mamili paunti unti, kahit yung mga new born clothes and other baby stuff na all white colors since di ko pa alam gender ni baby. Hoping for a response. Thank you! 😊

14 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Why not! Suggest ko lang na kung bibili ka ng damit, idamay mo na konting pieces na masmalaki sa pang-newborn. Mabilis sila lumaki, so kung kaya ng budget, mas ok na ready na kapag biglang masikip na 😆 tapos if disposable diaper plan nyo, kahit maliliit na pack lang muna, minsan kasi hindi hiyang kay baby, sayang lang.

Magbasa pa

21 weeks ako ngayon mommy. I advise you na hintayin mo muna gender ni baby bago ka mamili ng gamit. Ako din gustong gusto ko na. Saka isa pa, sabi nila, antayin ko muna lumagpas ng 7 months bago mamili ng things ni baby. Which is wala naman mawawala kung susundin. Pero nagtitinggin tinggin na rin ako lagi online. 😊

Magbasa pa
4y ago

Mas akma din kasi yung mabibili mo if alam mo na gender. Para hindi puro all whites lahat gamit ni baby. Para sakin lang naman po. 😊

3rd trim pinakamagandang time mamili para nakalampas ka na sa crucial stages ng pagbubuntis. and mas sure na rin sa gender. pero it's up to you din Naman kung di ka na makapagpigil magshopping

VIP Member

Okay lang magunti unti kase maraming gastos matutulungan mo pa asawa mo na hindi mabigla sa bilihin ang bilhin mo muna is yung essentials like sabon, cotton, cotton buds etc

sa panahon ngyon maganda na Ang paunti onti mommy mahirap na Ang gastusin tska mahirap na mamili nang malki Ang tyan minsan Hindi na pinapapasok pag wlang kasama

I started buying around 20 weeks as well. Ayaw ko kasing mag cram at may makalimutang bilhin. Also, okay rin na hindi isang bagsakan ang gastos :)

VIP Member

pwede naman mommy. mas maganda po na paunti unti para maaalala mo kapag my kulang pa.at para ready na bago lumabas si baby.

VIP Member

Pwede naman na mommy atleast di isang bagsakan ang gastos. Makakapamili ka pa ng mas maayos since di ka nagmamadali.

nung ako momshie 6mos tummy ko dun ako namili ng pakonti konti po. pero ok din po na namili na ung unisex na.

VIP Member

pwede na po . mas maganda pa unti unti bilhin para hindi mabigla budget. hehehe.