Maselan din ba pagbubuntis nio mga mamsh?
Ako po hindi. First baby ko po ito. Hindi ako nagsusuka, nahihilo pati naglilihi. Matakaw lang sa pagkain kasi lahat ng maamoy ko na masarap, gusto ko din haha. Sumasakit lang puson at boobs ko. Other than that, wala na :)
unang weeks , nka bedrest ako due to spotting ...pero gusto kong kumaen ng dinosour hahah lage akong gutom hahaha..now 3 mos na ako ngsusuka na ako ng super dameng laway lang naman minsan food at nahihilo
ako po nagkaroon ako ng Placenta Previa kaya pinainom ako ng Duphaston at duvadilan,awa ng Diyos nung nagpa pelvic Ultrasound ako medyo tumaas na placenta ko pero tinutuloy ko pa din ang bed rest ko
hindi naman po, 6 months na akong buntis ngayon pero never pa akong nagsuka or nahilo. di rin ako nag lilihi. pinaka ayaw ko lang sa lahat is yung amoy ng ginigisang bawang at sibuyas.
Maselan din Mi 🥹 3mos preggy here. 1month nako di nakakapasok buti na lang napaka understanding ng company namin, hopefully after ng gamutan namin ni baby maging okay na 🙏🏻
Yes. Nakunan kasi ako sa first baby ko, tapos dito sa second maselan pa rin kaya nagstop na ko magwork. Pero nasurvive naman, 1yr old na si baby ngayon. 😊
Ako din mamsh sobra. lahat Ng food na nakain ko na di ko na matake kahit tingnan o Amoy lang susuka Nako agad. konting Amoy din mabango o mabaho nasusuka ako
Ako nga rin on and off sa work pansin ko din na madali na akong mapagod lalo nat puyatan ang work kaya no choice need to sacrifice
yes momsh nung 1st trimester ko bedrest and need ng pangpakapit then ngayon okay naman na kami going 9 months hehe
Haistt on and off rin ung work ko ngaun dhl ang selan tlaga same din pala tau