Physical abuse during pregnancy

#pregnancy Mga momsh sobrang nahihirapan na po ako.. Lalo na po ngayon 36weeks na po akong buntis ni isang gamit o essentials wala ang baby ko.. πŸ˜₯ πŸ˜₯ πŸ˜₯.. Ni hindi ko din po Alam ang gender nya o kung anong posisyon nya ngayon kase wala pa akong ultrasound.. Sinasaktan pa po ako ng asawa ko.. Pati nasa tiyan ko hindi nya sinasanto hinampas nya po ng libro tapos kung hindi pa ako nagmakaawa tatadyakan niya pa sana.. Hirap na hirap na po ako.. Sana matulungan nyo ako..

Physical abuse during pregnancy
169 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

bat di kapa umalis? wag kang matakot mawalan ng ama yung anak mo Kung ganyan naman yung ugali.

VIP Member

Nakakaawa ka naman po lalo na si Baby mo.. Diyos Ko Lord sana po matulongan mo po sila.. πŸ™πŸ™

Kung di ka naaawa sa sarili mo sa baby mo na lang. Baka paglabas ni baby mas mamroblema ka pa.

VIP Member

ipabarangay mo na sis. at hiwalayan mo jusko kawawa lang kayo ng anak mo jn e

Punta ka ng Church. Pray. Tell your parents about that. Pasama ka sa barangay or police.

please leave ur partner. ur baby dont deserve a father na walang hiya. please leave ASAP

Kumawala ka kung hirap na hirap ka na. Kawawa ang baby mo baka mapaano ka pa at si baby.

pa Tulfo mo po asawa mo at baka matulungan kapa ni tulfo sa mga needs ng baby mo.

VIP Member

ireport mo na girl.. then alis ka na rin dyan.. wag mo hayaan pati anak mo saktan nya

Alis ka na diyan sainyo, punta ka Brgy. pwede mo na reklamo sa VAWC yan kulong agad.