SIGN OF LABOR???

#pregnancy #1stimemom #advicepls Mga 8:05pm today, nakaramdam ako ng parang may gumihit sa puson ko hanggang sa ari ko na parang ginagalaw-galaw ito. Masakit pero tolerable pa naman. mga 7 times po nangyari yon, and nawala siya. tapos minomonitor ko ngayon at medyo sumasakit siya pag gumagalaw si baby pero di katulad nung 7 times na nauna. Sign na po ba ng labor to? so far yan palang po nararamdaman ko bukod sa mga discharges na white na ilang beses lumabas sakin ngayong araw. 39 weeks and 1 day 🤍

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sabi ng OB ko, watch out daw sa false labor. Example: Kapag daw ang interval ng contractions is 30 mins tapos 7min tapos biglang balik sa 30 mins, tapos kapag inihiga mo or ipinahinga katawan mo mawawala, false labor daw yun. Pero kapag yung interval ng contractions is paikli ng paikli at pasakit ng pasakit, at hindi na mawala yung sakit kahit ihiga or ipahinga, labor na daw yun. Yung tipong 1 minute contractions tapos interval 4 mins apart. Labor na daw yun.

Magbasa pa