PPD symptoms po ba ito?
#PPDAwareness Gusto ko po itanong kung PPD symptoms na ba itong mga nararamdaman ko? -nung nanganak ako, masaya ako dahil finally nakita ko na baby ko at nakaraos na ako (sept.28 lang po ako nanganak via cs -baby boy), pero after 2 days namin sa ospital parang unti-unti na nawala interes ko sa anak ko..btw, mama ko ang nag-aalaga sa baby ko after namin makalabas ng ospital.. nahihirapan ako iexpress na masaya ako na may anak ako at ung love ko parang nahaharangan.. Madalas na rin ako malungkot at nag-iisip ng kung ano-ano.. dito na kami umuwi ng anak ko sa bahay ng parents ko pero ung partner ko malayo sa amin dahil nagwowork siya.. lagi kong naiisip na baka nambababae siya dahil na rin nga naexperience ko nung 6months preggy ako niloko na niya ako at nambabae na siya.. pinatawad ko na rin naman kasi para sa anak ko.. -insecurities, ang dami ko na insecurities sa katawan at sa sarili ko. -jealousy - nagseselos ako sa mga nakikita kong nagpopost sa socmed na masaya sila maging ina. -overthinking- nakaangkas ako sa motor ng kapatid ko, nung una ok pa ako pero habang tumatagal naisip ko na tumalon sa motor niya at magpakamatay. -lonely - itong pagiging malungkutin ko, mas lumalalim habang tumatagal pero pinipigilan ko umiiyak kasi takot ako makita ng parents ko. -insomnia - hirap ako makatulog lagi kahit sa umaga. - bukas iiwan ko na anak ko kasi babalik na ako sa work ko, hindi ako makaramdam ng pangungulila sa anak ko mas nakakaramdam pa ako na kailangan ko makasama ung partner ko kasi mas lumalalim ung pagdududa ko.. Sana po mabigyan niyo ng tips paano ko maiiwasan to.. salamat po sa pagbabasa kahit mahaba..