Hello po.
Naguguluhan po kasi ako kung ano po talaga ang susundin ko na EDD ko.
LMP ko po ay October 24-27, 2022, nagpipills pa ako ng time na yan pero minsan nakakaligtaan ko lo uminom. then pagka november po ubos na po yung pills ko pero di pa ko nagkakaroon, kaya di na muna ako uminom ng pills kasi baka nga buntis na ako. Hanggang nag january, wala pa rin so nagdecide na ako na magpa-ultrasound tvs. Ineexpect ko nasa 2 months na tyan ko nun base sa huling regla pero ang lumabas sa tvs 5 weeks pa lang po.
August 1 ang edd ko base sa lmp
Sep. 3 naman base sa tvs.
Ano po ba ang susundin ko, kasi sa center na pinapagcheck-upan ko po lmp ang sinunod nila at sinasabihan na nila ako na dpat nanganak na daw ako dahil overdue na ako.
Pero sa lying-in na nirefer nila sa akin, tvs daw ang susundin namin at masyado pa raw maaga kasi 35 weeks palang ako.
Naguguluhan na kasi ako at natatakot baka maoverdue na si baby.
#LMPandUTZ