Ano po ang mga dapat pang gawin

Hello po.mga co mommies jan.. Ask ko lang ano pa ang dapat gawin para makaraos na 40 weeks and 1 day na ako Squatting Walking Kumakain ng pineapple at umiinom ng pineapple juice 3x a day primrose Lahat yan magkapon ko ginagawa basta paggising ko pero wala padn Nagpunta ako sa center nung monday pero sabi ng midwife nung in-ie ako 2-3 cm daw pero makapal??? Ano po yung makapal?? #advice#plss

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kapag na-I.E po tayo tatlong bagay po yung chinicheck nila. Una yung dilation or pagbuka ng cervix, yun yung 1-10 cm na sinusukat nila. Pangalawa yung effacement or yung nipis o kapal ng cervix, kapag malapit na po manganak nagiging manipis yung cervix. Lastly po yung station o yung layo o lapit ng ulo ni baby mula sa bukana ng cervix or ito din yung sinasabi nila na "mababa" na si baby.

Magbasa pa