"I was molested by own father as a child, and trauma is still haunting me as a Mom"

Hi po! I was molested by my own father when i was 10 years old. Nobody knew until now. Buhay pa po ang tatay ko at masaya ang pamilya namin. OFW na po sya ngayon. Para mas maintindihan nyo bakit nangyari un, nagtrabaho po ang nanay ko dahil kapos po kami noon. Ang trabaho po nya mula 7am hanggang 3pm sa isang karenderya. Summer po yun kaya wala kaming pasok. Ang tatay ko po panggabi sa trabaho kaya sya ang nagaalaga sa amin habang wala ang nanay. Mag30 na po ako ngayong taon, may asawa at anak. Hanggang ngayon dala ko ang trauma. Natatakot ako na nakakaapekto to sa pagpapalaki ko sa anak kong babae. Ayaw kong nalalayo sya sa kin. Gusto ko nakikita ko sino nakakasalamuha nya lagi. 1 year old pa lang po sya. Pati sa lolo nya sa side ng asawa ko natatakot ako pag sya ang kasama. Di ako maintindihan ng asawa ko kesyo madamot daw ako. Pero hindi ko din masabi ang pinagdaanan ko noon. Pinangako ko sa sarili kong dadalhin ko sa hukay ang sikreto kami lang ng tatay ko ang nakakalaam. Matagal ng humingi ng tawad ang tatay. Pero mahirap makalimot. Hanggang ngayon iwas ako sa kanya. Nahihirapan ako. Ayaw kong sabihin sa asawa ko lalo't maganda ang relasyon nila ng tatay ko. Pero natatakot ako para sa anak ko araw araw. Maging sa tatay nya alangan ako pag sya ang nagpapaligo. Di ko lubos akalain na ganito ang impact ng trauma na yun sa kin. Akala ko tapos na. Naguumpisa na naman. Di ko alam kung sasabihin ko ba sa asawa ko para kahit papano may isang makakaintindi sa akin. Kung bakit ganito ako. Pero natatakot ako masira ang relasyon ng asawa ko sa pamilya ko. Kung sa opinyon nyo po ba? Mas maganda bang itago ko na lang? Nakayanan ko naman ng halos 20yrs. Kaya ko pa naman siguro. O unfair ba na di alam ng asawa ko?

21 Replies

I was molested too when I was 9 yrs. old. And like you, yes by my own father. Simula nong mangyari yon saken nawalan ako ng courage sa buhay para maging mabuting tao. Until dumating sa buhay ko ang panganay ko, babae sya. Napaka hirap magpaka ina pag may trauma ka na ganyan, as in. Pero laban lang tayo sa buhay, para sa anak naten. Mas importante yong bubuuhin nateng pamilya. Hindi ako nag anonymous because I am strong enough now not to hide. Biktima tayo, hindi tayo ang dapat nagtatago. Kwentuhan tayo minsan pag may time ka sender. Fighting!

Talking to someone about it is very important. Some you can trust rin na makakaintindi kung san ka nanggagaling, and also a professional na makakatulong sa’yo malagpasan ang trauma mo. I hope and pray that you get the help and support that you need. For your sake and your child’s sake as well. There’s no point of “bringing it sa hukay” dahil walang sikretong hindi nabubunyag. Lalabas at lalabas yan. Sana masabi mo sa asawa mo. Pero mahirap nga yung sitwasyon mo momsh. Praying for you. ❤️

Hi mommy. Time Heals, pero mas mapapanatag ka if you let your burden out. I was also in the same situation before not only my father, but also my uncles and my brother. Okay naman kami ng family ko ngayon pero may trust issues na din ako. Ang pinaka iisang tao ko lang na pinagsabihan ay ang hubby ko. Mas lalo niya kong naintindihan at mas naging over protective din siya sa baby girl namin lalo na sakin. Try to open to your hubby mommy. Maiintindihan ka niya.

VIP Member

What you feel is valid. For me since you have a baby girl dapat sabihin mo sa partner or asawa mo ang trauma mo, that way ma intindihan nya nararamdaman mo pati na takot mo. Ang hirap kasi na di nya alam reason bat mo naiwas baby nyo sa mga lalaki sa family ninyo. You may not forget it but alteast meron ka karamay

sabihin mo sa asawa mo para maintindihan ka niya.. para san pa ang sinabi sa bible na kayo ay iisang laman na kung nag lilihin ka sa kanya.. pano mo natatawag ang sarili mong asawa mo siya kung ung tipong ganong bagay di mo kayang ipagtiwala sa asawa mo.. asawa mo yan maiintidihan ka nian kht anong mangyare

it's better to keep it secret nalng po mommy for you're own capable of healing hwag nio na sabihin Kasi si God lang nakakaalam wla naman asawa mo Nung nangyari yun sa it's like a pattern that continuously happen when you open it, it's time time to break a tie,

same situation but the difference is that I told that to my hubby, since our dad left us already. naiintindihan din nya ko minsan kung bakit pinagssbihan ko sya regarding sa baby girl namin kasi natatakot lang din ako na maulit yun sa anak ko.

TapFluencer

grabe trauma talaga ang makakapag pahinga satin Minsan.. be strong mhie always think positive

sabihin mo na sa asawa mo po kung ayaw niyong mabaliw balang araw

Walang sikretong hindi nabubunyag

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles