UMBILICAL CORD

Hello po.. *First pic - Feb 14, 2023 *Second pic - Feb 18, 2023 Mag fo-4 months na po anak ko.. then ganto po nangyari sa pusod nya.. idk kung dahil sa nagalaw ko ng once/twice o dahil sa pagpapaligo ko sa kanya ng palagi.. yung second pic is nalagyan ng katas ng oregano mula kagabi.. makati sya kasi nakakamot nya lalo pag naka hubad sya.. This whole week kasi walang doctor sa Center namin kaya di sya nakapacheck up.. kaya tinry muna namin kung effective yung oregano.. ano po iba nyong pwedeng issugest? Thanks po in advance

UMBILICAL CORD
33 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

mii pacheck up mo na. nakakatakot na yan. sorry to making you worry pero dapat matakot ka na mi. kawawa naman si baby. pusod yan mi maselan po yan lalo na pag baby. 4mos na si baby mo mi dapat naghilom na yang pusod nya.

wag po kayo mag titipid lalo na po sa bata kahit kami po ng asawa ko ee walang wala pag nag kasakit o may iba sa katawan ng anak namin auto pedia siya dahil mas mapapamahal ang gastos niyo kung titipirin niyo ang bata

Di po yan dahil sa pagpapaligo palagi. Kasi kung dahil dun edi sana buong katawan ng baby mo ganyan. Probably gawa yan ng oregano or ano man pinahid kaya na infect. Pacheck up nyo na po yan

Hala bat po kayo nag self medicate?🥺 Baka po dahil dyan mas lalong lumala po yan. Okay lang po magtanong tanong or manuod sa yt kung anong mabisang gawin. O mas better go to Pedia po

nakakatakot sa pusod pa naman yan. pa checkup mo na kahit sa center kung kulang sa financial. libre naman sa center kung di mo keri dalhin sa pedia ang anak mo. Baka mag infection yan.

sa pedia mo po para mbigyan ka ng ointment..hirap po kc pag bBy..ang bbyq super sensitive din po..kya lahat ng tanong ko sa pedia nya tlga....pera po tlga need din nTin😥😥

VIP Member

Super sakit at kati po nyan para kay baby. Better na mapacheck-up mo sya agad bago pa lumala infection. If wala pedia sa Center, go ka sa public hospital na malapit sa inyo.

VIP Member

Hay kaloka di naawa sa anak.. Sana naman naghanap ng paraan par mapacheck up very sensitive ang skin ng babies 😭 hay kawawa namN si baby

dapat may baby oil po kayo lagyan nyo po ng baby oil tapos bigkisan nyo po kasi ganon po yung ginagawa ko sa baby ko. 100% effective po

Try nyo po sa ibang doctor or private clinic kasi baka ano na yan Kawawa naman si baby kung mag hintay ka sa center. Baka lumala