250k via CS delivery

Hello po. Asking lang, sino po dito almost 250k ang bill sa Hospital via CS delivery? 250k po kasi pinapaready sakin and prefer ng OB ko po is CS po. Medyo late na po kung lilipat pa since January 2022 po ang duedate ko. And kung lilipat pa may tatanggap pa po ba, nasa Highrisk stage din po kasi ako at the same time. #advicepls #1stimemom #firstbaby #pregnancy

30 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

40k kpag normal 80k kpag CS semi private yung hospital. Lumipat ako ng OB last minute 2 weeks na lang bago due date ko. Di na nag face to face consultation yung OB ko. Need ko pa nman ma-IE that time kasi nahilab na tiyan ko. Gusto nung OB ko na tumakbo na lang ako kapag lalabas na talaga ang layo pa ng hospital niya 1 hr biyahe kaya naghanap ako ng iba. Tinanggap nman ako ng ibang OB-GYN na kakilala niya yung dati kong OB. Dinala ko lang lahat ng records ko. Na-Inormal ko nman siya, umabot ng 57k yung bill ko na less na philhealth nun. Induce labor ako, no pain, no discharge.

Magbasa pa

ay mahal naman, cs mom here 70k private hospital refer lang overdue na kasi 59k less philhealth. pwede ka pa naman lumipat mami ah, nasaiyo padin nama. ang disisyon nyan basta hingi ka referral ganon, sabhin mo di keri ang ganyang halaga kung hindi mo nga talaga keri imagine 250k,pero sabagay para sa ank mo naman yan, ayan pera lang mahahanap pa pero ang bhay dimo na maaring maibalik pa kaya ikaw po mas mainam na sure ka kung saan ka mas magging safe lalo na ang baby mo po.

Magbasa pa
VIP Member

Emergency CS ako 75k yung total ko, pero nabawasan pa yun kasi may philhealth ako. Depende mommy, mag pray mo nalang na walang complication si baby mo para hindi tumaas pa lalo bill mo. Swerte ko nalang kasi normal lahat ng result sa baby ko. Baka kaya ganun kalaking halaga kasi ayun talaga yung presyo ng hospital, bago ako magpa admit nag tanong muna kmi sa OB kung magkano inaabot pag cs, ayan sabi niya samin, 75k.

Magbasa pa

pag cs malaki talaga gastos. taga-parañaque din ako mahal talaga mga private hospitals dito. tsaka high risk ka kamo kaya may possibility talaga na ganun yung magiging cost ng delivery mo. plus yung mga PPE pa. most likely ganun magagastos mo. wag ka na lumipat. late na for that. iba pa din pag may ob ka talaga kasi for sure maaasikaso ka. may possibility din na wala ng tatanggap sayo kasi alanganin na.

Magbasa pa

CS din ako mommy. A month before my duedate sinabi ko sa OB ko preferred hospital na panganganakan ko tapos nirefer po niya ako sa ibang OB na affiliated dun. Public hospital po ako nanganak, naka private room and private doctor po ako, 50k po bill ko for 3days confinement tapos si baby confined for 6days naka private room din po siya, bill po niya 10k. Minus na po ang philhealth, total bill po namin 60k.

Magbasa pa

Marami po ako naging doctor kasi po pandemic, 32k lng po nagastos ko dahil Alam ko date ng due date ko before po nun I go sa hospital and go to emergency po, they will do swab test and admit kayo direct kc nga po delikado ako, they have doctor po sa hospital who can do cs if wala po they will call the doctor I deliver po sa public hospital sa province po

Magbasa pa

CS po ako private hospital sa bulacan 49k lang including swab test na. April due ko pero march lumipat ako ng OB kc mahal din sa una kong OB 150k kaya naghanap ako ng iba. dinala ko lang lahat ng records ko twice na lang kami ng nag meet at nanganak n ako. ang mahal naman po ng 250k.

3y ago

Yun po pinag iisipan ko nung nakaraan kaso parang late na rin po kasi malapit na po duedate ko and sya na po kasi humawak sakin nung una pa lang kaya mas alam niya na po cases ko. And baka ako lang din po mahirapan kung lilipat pa ko. Sana nga po di talaga abutin ng 250k 🙏 And magbigay sana sila ng mga discounts lalo na sa mga doctors.

bakit po kayo high risk? may ibang procedure bang gagawin? kakapanganak ko lang CS, private hospital in San Fernando Pampanga, total bill ko minus Philhealth, 55k. unfortunately, na-NICU si baby for 7 days, so +45k. 100k lahat lahat. high risk din ako due to age.

3y ago

Have a safe delivery, mommy+

185k po samin kasi nag stay kami ng 2weeks ni baby sa St. Clare Makati private po Wala po ako philhealth kaya ganyan kalaki saka mag dadalawang linggo din po kami sa hospital kasi inaantay ko si baby dahil sa nicu po sya premature po kasi sya

Oh wow, baka depende sa hospital? Dun sa plan kong hospital nasa 140k pinapa-ready IF ma-CS, tapos ward. Which hospital yam mamsh, baka mga high-end talaga? Medical City or Asian Hospital level ganon. So striving kami ni OB na mag normal.

3y ago

meron po sa caloocan 35k to 4ok Yun range pag cs ksama n ligate... search mo nlahn L.D.S maternity clinic