Safe ba magpa vaccine ang buntis?
Hello po.. tanung ko lang po safe ba magpa vaccine ang buntis? 27weeks pregnant po wala po ba effect sa baby.. nag dadalwang isip po kasi ako kung magpapa vaccineaq eh..salamat po#advicepls #pleasehelp #pregnancy

nabakunahan ako na di ko pa alam na buntis ako 1 month siguro un aztra . kasi health worker ako e kaya nauna kami.. then nalaman ko natakot din ako good thing natolerate ko ung first dose. ayaw ako bakunahan nung 2nd dose at nag dalawang isip din ako since may mga balita nun na mga thrombotic events sa buntis na nabigyan ng aztra vaccine. pero nagbigay go signal ung OB ko.. but ung 2nd dose ko ginawa kong pfizer to be safe. nadelay ung 2nd dose ko kasi nagkacovid ako e, not from the vaccine but dahil nagrounds ako sa ospital. okay naman ako pero mahirap din kasi nagbigay ng stress sa akin ung pag ubo. i believe na mas magandang may proteksyon kesa wala. plus sabi nila may immunity ung baby paglabas kasi ung antibodies produced by the vaccine sa body natin can cross the placenta. di naman eeffect ung vaccine directly sa baby e, dahil ung vaccine components mismo cannot cross the placenta.. ang risky kasi pag nagbuntis ka na walng bakuna.. best siguro at 2nd trimester and so far aztra lang naman may nangyaring adverse event sa buntis sa ibang bansa.. so siguro ibang vaccine dapat.. kung makakapili kayo.
Magbasa pa
Hoping for a child