19 Replies

Same tayo sis, 1month ngayon simula nung naCS ako pero hinde nako nagbibinder. Feeling ko mas nakakagalaw ako ng normal kapag walang binder e. Napapaliguan ko na si baby, nakakapagluto nako, hugas plato pero andon pa rin yung ingat. Nagbibinder lang ako pag nakita ko sa salamin na ang laki ng tyan ko Haha! Pero tinatanggal ko rin naman haha.

Alam mo sis sasabihin nman sayo ng ob mo kung kelan kn pwedeng magtanggal ng binder. siguro mga 2 months na yun after matanggal yung buhol. Pero nasa iyo yan kung kelan mo gusto wag kana magsuot. Para sa kapanatagan ng isip mo na baka bumuka wag k lang magbubuhat ng mabigat.

Ako po non pagkalabas ng ospital di na nagbinder nasasaktan po kc ako dahil bikini cut ang ginawa sa akin which is wrong.. kc anytime pwede magopen ang stitches. once na nawala na ang pain ng sugat or nagclose na sa labas pede na po tanggalin.

Ganun po yata talaga pag tayo din ang nag aalaga. Dapat kc puro rest muna tayo para mabilis na maghilom ang sugat. Sa first baby ko po since kasama ko po byenan ko, sila nag aalaga, puro 2log,kain at padede lang po ako non kaya 3weeks ala na ako pain na nararamdaman kahit sa loob.. ngayon dahil sa pandemic di sila nakauwi d2 sa amin kaya kami lang po ng asawa ko nag aalaga..

1 week lang kasi ang init 😅 sabi naman ni OB ayos lang para madali rin matuyo ang tahi. wala pa 1 month, tuyo na agad tahi ko. Pero extra ingat pa rin kasi matagal bago magheal ang tahi sa loob.

After 1 week check up ko po C's mom po ako sinabihan napo ako mg ob ko na ok na kahit uag na magbinder.. Basta uag muna magkilos kilos.. Like gawaing bahay.. 1 month palang po kami ni baby..

Ako po 2months nag binder, hinintay ko po na fully healed na yung tahi ko para sure. Feeling ko kase nun bubuka tahi ko kapag binuhat ko si baby tas di ko soot binder ko 😂

VIP Member

Hanggang sa di nakakabalik sa firmness ng tiyan mo sinusuot pa sana binder, kung makati at mainit, palooban mo ng panyo o cloth yang tummy mo bago mo ilagay yung binder

3weeks po ako momsh, pero pag di nman ako komportable, feeling ko di ako makakilos ng ayos.. nilalagay ko ulit binder ko.. hanggang sa nasanay ako n wala ng binder..

1 month and a half po pinakamatagal ng usage of binder. If wala naman po naging prob sa stitches nyo ok na po cguro na hndi nyo na gamitin ung binder 🙂.

Sa ospital lang ako nag binder , ang init kse tska feeling ko nakukulob lalo yung tahi , mas mganda nakakasingaw ang sugat , para mabilis matuyo.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles