Based on experience po, normal po yan sa ganyang laki na 5w4d. Yung OB ko sabi good cardiac yang ganyan. Maliit pa po kasi. Lalakas pa po yan lalo na pagpasok ng 7-9weeks. Tataas pa yan up to 180bpm. Pero pag ganyan po, usually pinababalik padin after 2 weeks just to check ulit.
Yung sakin kasi 5w6d po ako, 115bpm nadetect. Pinabalik ako kaya nung 7w5d na ako, nung nagcheck na kami ng hb nag 154bpm.
Then pagka 9w2d, nag 171bpm.
Tapos nitong latest check up ko, 13weeks nako nun nasa 151 bpm. Bumaba na sya which is normal din.
Di ko lang din po sure sa OB nyo bakit yan yung sinabi nya sneo.
BTW, match yung LMP ko sa sukat ni baby sa tvs and nung time na 5w6d ako nagtake ako ng duphaston para makasure na magiging healthy si baby sa loob at maging maganda ang flow ng dugo sa matres. Wag po kayo masyado magworry. Nung ganyang stage pa ako, habilin ng OB ko na bawal mastress and bawal mag isip ng negative. ☺️
Magbasa pa