Hello po! Sino po dito naka experience na after manganak (after about a week) eh namaga po yung paligid ng anus? Siguro po sa pag LABOR ko din po kasi medyo matagal lumabas si Baby dahil nga short lang daw yung pusod niya. As in sobrang sakit na, parang binugbog. 😭 Ano po ba dapat gawin? Any home remedies? Next week pa po kasi ako makakapag pa check up kasi di ko pa kayang bumiyahe at sumakay sa Motor 😭 Masakit po lalo na pag umupo. Di rin masyado makalakad. More on higa nalang. Kahit nakahiga nga need pa mag adjust 😭
Nanganak ako last July 29. After 1 week kasi, naglaba ako ng mga damit namin. Naghakot pa ako ng tubig sa drum pero yung di masyado puno yung fita na balde para di mabigat. Ewan ko ba. Kasi nga gusto kong busy ako parati. 😭 #pleasehelp