MASAMA PO BANG MAG DRIVE NG MOTOR ? MAG LAKAD LAKAD NA 8WEEKS PREGGY NA ?

hi po since may motor po ako ito po ung ginagamit kong pang pasok sa work , ayaw ko po kc sa tricycle at jeep kc parang mas tagtag sya kumpara sa motor na feeling ko di maalog kc super bagal nalang ako mag patakbo ng motor ko. bawal padin po ba ito? second question ung work more lakad. lalo na kapag may customers kami its fine lang din po kaya yon duty ko monday to friday. lasty ung bahay nmin may 2nd floor e sa taas kami natutulog so ang buntis panay ihi ng ihi ok lang po ba yon sa 8weeks preggy stage ko tong mga every routine ko? natatakot po kc ako baka mag open agad cervix ko or baka makunan ako na sa awa ng diyos wala pa naman po akong mag kakaibang sign na nahihirapan na sana di mangyari sakin . salamat po sa makakasagot ng lahat ng tanong ko :) gobless #firstbaby #advicepls #pregnancy

15 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

same tayo ng situation ganyan din ako tapos nag babike ako hanggang guard house lang naman. tapos pedicab and byahe jeep papasok sa work tag tag din ako kasi sa resto ako nag wowork. 14weeks na ako.2nd floor din kwaryo namin nag dadala nalang ako arenola. para di na akyat baba

Hi. If sanay po ang body nio s ganyan routine araw2 bgo kayo nabuntis at d kayo high risk baka okay namn po. Pero crucial po ang 1st trimester so dahan dahan lang po s physical activities. And better pconsult kayo s ob nio kn ano makabubuti bka pwd ka niya resetahan ng pampakapit

2y ago

opo sanay ung katawan ko sa extreme activities e kc bago ako mabuntis almost year ako sa gym nagbubuhat ng barbel and un nga panay ako lakad ng lakad. nag pa check ako sad to say may nakitang hemorrhage sakin :( 0.12 lang naman sya kaya naka bedrest ako ng 7days at niresetahan na ng pampakapit pinatigil nadin ako sa motor umangkas nalang daw ako .

maligalig din ako nung 1st trimester hanggang mag 2nd trimester ako. ayun bumukas ung cervix ko ng 0.5cm. simula nun nagiingat na ako lalo na sa pag akyat ng hagdan. ang salarin e ung hagdan sa edsa carousel at wala silang lift para sa pwd at pregnant

i raise niyo po yan sa OB mo sya lang makakasagot nyan and ikaw din sa sarili mo alam mo din kung safe ba sya or kaya mo tlaga.doble ingat lang po lalo 1st trimester kapa lang

Ako mas bet ko sa motor, doble ingats nalanh po talga. Kesa sa Tryk na ambaba ng upuan tapos kahit nakita ka na na buntis walang pake pden dadaan pden sila sa lubak

2y ago

opo naranasan ko mag commute di ko kaya grabe ang alog tlaga ng tricycle tagtag ka tlaga pero para sa ikakasafe titigilan ko na muna mag motor angkas nalang muna ako

Ako din po motor din ang transpo ko everyday. Nagconsult na din ako sa ob since hindi naman maselan, so ok lang din daw. Kung ano yung routine ko ituloy lang daw.

Same tayo sis, more lakad din work ko pero mas safe kung magttric kanalang. 11weeks nako todayy so far wala pa naman nangyayari mula nalaman kong buntis ako.

as long as comfortable ka mommy wala pong problema sa paggamit or pag angkas ng motor pero depende pa din kung maselan ka. better consult your OB :)

anykinds of transpo po matagtag kaya sana once or twice lang a week ngtratravel. Ingat po ikaw palagi 🙂

Ingat ingat lang po sa pagakyat baba po. Maselan po ang 1st trimester. Kaya po doble ingat na lang din.