Recommended Hospital

Hi po share ko lng po baka makatulong Para po sa mga taga taguig. Recommend ko po Taguig Pateros District Hospital. If ever na gusto niyong walang bayaran o kulang budget niyo pwede kayo dito. Diyan po ako nanganak. 4 days kami and almost 6k bill namin. Pero ni piso wla kaming binayaran and wala rin po akong Philhealth. Asikasuhin niyo lng po ung sa SWA kung walang Philhealth. Then lapit kayo sa MALASAKIT. Prepare niyo po indigency from your barangay. Philhealth Indigency po ang ibibigay. Sana po makatulong

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Jan din ako nanganak kaso nakaprivate doctor ako kaya di ko nakalapit sa SWA at Malasakit center. Pero nagamit ko naman yung philhealth ko at 40% discount kasi taga taguig ako. Sulit na rin kahit papano.