Confession

hello po senyo, di aq sure kung may makaka-intindi sa sitwasyon q... 3 mnths preggy po ako sa "partner" ko. pero yung partner q po may asawa't anak, opo kasal sila at magkasama pa rin sa iisang bubong. matagal na po kami magkakilala sa trabaho, pero last yr nagsabi sya na hiwalay na sila at dun nagsimula lahat. naniwala naman po aq, hanggang sa nagsama pa nga kami. pero bigla nalang ako nakaresib ng msg sa asawa na di pala talaga sila hiwalay. di q alam pano sya nakaalis sa kanila nung mga panahon na yun para sumama sakin. kaso ayun nga po, buntis na q nun, pero pinaalis ko sya at sinabihan na umuwi na sa pamilya. hanggang ngayon may komunikasyon pa rin kami, nagsasabi syang gusto talaga nya humiwalay kaso hirap sya dahl sa isang anak nla. gusto q rin po kasi iconsider ung magiging anak q sa mga magiging desisyon q. ano po kaya dapat qng gawin? 😭#advicepls #1stimemom #pleasehelp

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sa tingin ko sis nagkamali ka at may mga consequences ang mga amling desisyon naten sa buhay na kelangan natin harapin. Advise ko putulin mo relasyon neo kasi may family sya at wag mo sisirain ang family nya pero pagdating sa magiging anak mo kelangan nya ibigay ang responsibilidad nya na tumayong tatay. Alam ko na gusto mo pagdating sa lalaki ay wala kang kahati. Pero anjan na yan at tanggapin mo nlng na may kahati ka sis

Magbasa pa
3y ago

hello po, opo aminado aq may mali rin aq kasi di q inalam maiigi bago pumasok sa relasyon. hindi q rin nman inexpect na ganun pala sitwasyon namin, umalis na rin aq sa kompanya nmin dahil pinipilit q nang umiwas. may komunikasyon kami pero di na nagkita matapos ko sya pabalikin sa pamilya nya, nangangamusta lang madalas kaya siguro natatawag ko pang "partner", pero di na rin aq umaasa sa relasyon namin sadyang iniisip q lang magiging anak q. pero tnx sa advice sis :)