#first time mom❤️

Hi po sa mga Mommies dyan! Ask ko lang po if anong bwan dapat magpa check up sa public hospital? Alam naman po natin mahirap pumila sa mga public hospital lalo na sa buntis, minsan po kasi hindi naasikaso dito samin yung mga buntis. Inaabot po ng cut off kahit maghapon pumila.

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

26 weeks na ako pumila at nagpacheck up sa public hospital. may private OB ako before tska nagappacheck up sa center pero mas okay kung dun ka na agad sa pagpapaanakan mo. Need kasi nila ng records mo plus yung mga lab tests/ultrasound mo pa na dun mo dapst ipagawa kasi kelangan yung mga OB dun sa hospital yung makakita. btw, 2nd pregnancy ko na 'to, bawal kasi ako dun sa private lying in manganak kasi twins tas nasa high risk level pa ako.

Magbasa pa
3mo ago

mi, parang mas okay if magpacheck up ka na po muna para yung referral mo for ultrasound, from the OB of your hospital choice mo na po. Dun ka na rin mismo ma-ultrasound. 😊