Help po Sana matulungan nyo ko πŸ˜₯😭

Hello po pasintabi po sa mga maseselan. ask ko lng po sana kung normal lang ba sa isang buntis ng pitong buwan ang biglang tubuan ng ganiyan sa may kanang bahagi ng maselan na parte ng ating katawan ? 😞 nag woworry po kase ko baka po kase maapektuhan yung baby na dinadala ko πŸ˜₯ next week papo kase schedule ko sa OB ko. Ayaw naman po akong palabasin sa lugar namin dahil delikado kaya sana po sa mga nakaranas nito matulungan nyo ko,baka po may mga alam kayo na pwede kong gawen habang hindi pa nakakapag patingin sa OB ko.. Maraming salamat po sa makakapansin at tutulong masagot ang tanong ko.. 1st baby kupo ito at 21 year old po ako.. Again thank a lot po .. ☺ God Bless po !#firstbaby #sharingiscaring

Help po Sana matulungan nyo ko πŸ˜₯😭
36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sakin din po nagkaroon ng parang ganyan kasi nagasgas ng kuko habang nagwawash. Kinabukasan nagkaroon ng bump na masakit. Then sumunod na araw nagkaroon na ng mata. Pero nung nagka-mata na, unti unti lumalabas yung parang laman nya na nana. Pinapapunasan ko sa asawa ko para ma-drain excess na nana (di ko makita dahil ang laki na ng tyan ko hahaha). Laki ginhawa nung na-drain although di yata sya advisable. Pinupunasan ko nlng yung area ng anti-bacterial wipes after ko umihi. Sabi ng asawa ko malaki na daw inimpis at medyo tuyo na.

Magbasa pa
4y ago

sige po ate thank you so much po .. πŸ˜ŠπŸ’•

Nagkaganyan po ako mga 6 months na ang tyan ko at hindi po ganyan kalaki. Nakamaternity pants pa kasi ako sa work nun. Inadvise ako na wag na gumamit ng masisikip na pants, underwear (better wag na magundewear sa gabi sa bahay). Hygiene tapos minonitor ko kunh lalaki pa ba sya o hindi na kasi baka nga makaapekto sa panganganak ko. Binigyan ako ng antibiotic at ointment ni OB. Nawala naman. I'm on my 8th month now. :)

Magbasa pa

pigsa po ata yan. nagkaroon ako ng ganyan nung nasa early pregnancy po ako. As in ganyan na ganyan at mas malaki pa hanggang sa pumutok. kasi every night ko pong hinuhugasan ng maligamgam na tubig na may asin. after maghugas, pinapatuyo ko po and lagay ng petrolleum jelly tas di na nagpapanty. after ilang days, ayun pumutok na. Pigsa ata kasi talaga kasi may nana pang kasama yung dilaw dilaw po na may laman.

Magbasa pa

jan den po ako tinubuan 30weeks preggy ako non 32weeks nako now dna sya bumalik dna nga po ako nagpapanty tinubuan pako ng ganyan lage naman den po ako naghuhugas di den ako nagamit ng arenola para always ako naghuhugas after umihi kahit mahirap sa cr ako lage iihi .. and mommy punta kapo sa settings nitong apps i ON mopo ung NSFW para pag may ganyan kapo na post just click it para blurred ung pics 😊😊😊

Magbasa pa
4y ago

okay po, yun lang puba ginamit nyo nung time na nagka ganiyan kayo ? 2 7months preggy napo ako ii , wala din pubang effect kay baby yun sa loob hehhehe

hi ate .. nakaranas na rin po ako niyan.. normal lng yan teh . pigsa po ang tawag jan. nit sure sayo pero nagkaroon din ng ganyan ang rightside ng maselang parte ko . Hot compress lang po yan ate. kuha ka ng malaking pbatya , lagyan mo yungng maligamgam na tubig tas magbabad ka . do it 2 to3 times a day.sobrang kirot po nyan.. sana nakatulong po ako.. pero mas maigi na ipakunsulta alang sa doktor.

Magbasa pa
4y ago

sobrang laking tulong po nyan . maraming salamat po ..

I pray po na makuha sya ng antibiotics at hindi ma humantong sa surgery kusa nman npo syang lumiliit kaso masakit po sya talaga , makirot po. well thanks to all mommy na sumagot po sa tanong ko. Hindi nyo lang po alam napakalaking tulong ng mga sinabi nyo sakin .. maraming maraming salmat po God Bless you All and your kids πŸ˜πŸ’•πŸ™

Magbasa pa

Ang sakit Nyan sis nagkaganyan din ako last 2019 halos Hindi ako makalakad Ang ginawa ko kumuha ako Ng dahon Ng bayabas pinakuloan ko tapos nilagay ko sa timba at umupo ako sa ibabaw palagi ko un ginagawa at ayon Ng sa awa Ng dyos lumiit sya Ng lumiit hanggang sa nawala..mas Malaki pa ung sakin dyan kapag naaalala ko yon iniisip ko Sana d na maulit paπŸ₯Ί

Magbasa pa
4y ago

noted ate I will do that po 😊 thank you

hello po... nagkaganyan din ako dati...pero hindi ako buntis nun... huwag masyado mommy mag shave kasi parang sa pores yan na tinutubuan ng balahibo.. parang na iritate... at may nag sabi din sa akin na OB na huwag masyado mag shave dapat i trim lng kasi ang mga buhok dyan isa din ya sa nag protect sa ano natin..para di agad mkapasok.ang bacteria...

Magbasa pa
4y ago

once ko lang po sinubukan mag shave down there mommy tapos diko nman napo sya inulit 😞 pero siguro nga po dahil dun kaya nagkaganiyan . medyo makirot nga po ngayon ii

Naku sis ang sakit nyan.. Ako naman nagka pigsa sa kili kili naman non buntis din ako siguro mga 6 months tyan ko non.. Sobra sakit.. Mayat maya ko nilalanggas ng maligamgam na tubig na may alcohol.. Madali puputok pigsa pag ganon.. Dampi dampi ng bulak.. Much better nga un medyo mainit talaga para lumbas lahat ng nana.

Magbasa pa
4y ago

sa tingin nyo po pigsa sya kase wala naman pong mata yung sa akin ii , yang pic po na yan nakuha ko lng sa google kase same side at same po ng bukol meron sakin , sa pic. na yan pero hindi po ganiyan sobrang laki 😊

Nagka ganyan din po aq dati ung una d natuloy kc naagapan., ung pAngalawa naman natuloyπŸ˜‚πŸ˜‚ hugas ka lang ng maligamgam o basta kaya mo ung init at lagyan mo ng asin Pwede ka din gumamit ng bimpo para punasan basta maligamgam o kaya mo ung init kc pag mejo mainit mabilis sya mapisa hehe sana makatulong.,

Magbasa pa
4y ago

sobrang makakatulong po yan ate, kung alam nyo lang .. maraming salamat po ☺😊

Related Articles