Smile ni baby

Hello po, pa share naman po ng experience niyo. 1st time mom po ako, normal lang naman poba sa baby na di ganun pala tawa o ngiti? Kase baby ko mag 6months na this June, pero pansin ko, di sya ganun ka bungisngis kahit sobra na effort ng kausap nya nakatingin lang sya, may mga friend kasi ako sa fb na halos ka edaran nya na kahit konting galaw lang sa baby or action nila tawa ng tawa baby nila. Thanks sa sasagot pa share naman po ng experience niyo sa mga lo niyo, salamat. #1stimemom #advicepls #firstbaby #theasianparentph

5 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Kmusta si baby nung mga 3mos po nakikipag usap po ba siya madaldal po ba? Baka at 6mos nangingilala na kasi ganyan bwan mii kaya tinititigan muna niya.. Sa akin 3mos palang baby ko ngayon pero mahilig siya sa mga toys may favorite na siyang laruan at tinitingnan din namin kung susundan kami ng tingin hanggang malayuan means naghahanap na siya ng magulang at nakikipag usap na samin at bungisngis na.. Kausapin niyo lagi nakasmile laruin mo palagi mi at wag muna patingnan sa mga gadgets kung lagi mo hawak cp mo iiwas mo matingnan niya. If incase may doubt ka talaga pwede mo ask si pedia siya naman magsasabi kung need irefer sa DevPed si baby.. Anyway may kanya kanya milestones ang baby focus lang po kayo sa baby mo at wag mo ikumpara sa iba.. Yan pag smile isa sa milestones na dapat mo ipaabot sakanya at bilang magulang tulungan mo siya abutin niya yan😊

Magbasa pa

hmm iba iba po kc tlga ang mga baby , ung 1st baby ko ganyan dn bilang na bilabg ung beses na ngumiti at tumawa , ung 2nd ko nman palangiti na at palatawa

same mamsh, baby ko rin 6months na. pero madalang lang kung ngumiti o tumawa. nagduduling duling pa nga minsan. super worry na din ako.

TapFluencer

ganon po talaga parang once in a blue moon sila tumawa sa ganyang months. mga9-10 months super active na po nyan.

may ganyang mga baby po talaga same sa pamangkin ng asawa ko hindi pala tawa. Nakakunot ang nuo palagi