1ST BIRTHDAY

hello po.. pa advice po. first birthday na po ng baby ko next month pero wala pa po kaming budget mag asawa para sa isang birthday party. pinagkakasya lang namin sahod ng asawa ko sa mga kailangan ng anak ko.. sakto lang po sa mga needs ng baby at minsan kinakapos pa po. di pa kasi makapagtrabaho dahil tutok ako sa pag aalaga sa baby ko. pag medyo lumaki laki na siya dun palang ako makakabalik sa work. ASK KO LANG po sana kung OKAY LANG PO BA SA 1ST BIRTHDAY NG BABY KO IS YUNG IPASYAL NALANG NAMIN SIYA AT KAKAEN NALANG KAME SA JOLLIBEE? then bili nalang namen siya cake. nag aalangan po kasi ako kasi mga kasabayan niya mga bongga po birthday nila. naaawa po kasi ako sa anak ko di namen maibibigay sakanya yung ganun klasing party sa birthday niya. babawi nalang kami ni papa niya sa mga susunod na birthday niya. okay lang kaya yun mga momsh? natatakot po kasi ako ma bash sa side ng asawa ko. pa advice po. thank u godbless..#advicepls #1stimemom #firstbaby

13 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Since pandemic po ngayon at tight din budget nyu. Much better po na sa bahay nalang po kayo mag celebrate, luto po kayo ng spaghetti at bili ng cake, para mas safe din po since 1 year old palang baby nyu. Wag nyu po compare yung birthday party ng iba sa baby nyu. Mas maganda maging praktikal kesa bonggahan ang party para may masabi lang ang iba or magpa impress then later, wala kayo pambili sa needs ni baby. Basta kung ano lang po kaya nyu, yun lang po gawin nyu. Mas importante naman po eh safe, healthy and nabibigay nyu ang needs ni baby.

Magbasa pa

ok lang kahit walang celebration na sobrang bongga. you can celebrate simply na just family lang with some balloons, cake and since pandemic and nakakatakot ilabas ang baby, mag pa deliver nalang sa jollibee. dont mind sasabihin ng iba basta your little one is healthy and safe, thats all that matters. you can probably celebrate more on the next birthdays. im sure your baby appreciates whatever you give him or her as long as kasama nya kayo pareho. happy birthday to your little one. hope that helps 😊

Magbasa pa

okay lang po yun momsh. ang isipin mo yung baby mo, wag yung sasabihin ng ibang tao. Isa pa, pandemic po ngayon, isipin naten yung safety ng pamilya natin. Unahin nyo po yung mga needs ni baby, kapag nagkaron kau ng extra, dun nalang kau bumawi. Huwag din pong ipangutang ang panghanda, kung ano lang po yung kaya nyo, yun ang ibigay nyo. Huwag mo stressin sarili mo momsh. Okay lang yan. Happy Birthday na din po kay Baby. 🎂🎉😊

Magbasa pa

same Tayo mommy 1st birthday din ng baby ko SA Feb 9 .. 😞 wla din talaga budget para magpabinyag gusto ko din Sana ipush ung date kaso wla talaga hind Kya ng budget. baka mag Jollibee na Lang din pang family lng din,. Ang hrap pero dapat ipagpasalamat Ang mahalaga🙏☺️ wag lang magkasakit Ang mga anak ntin Ang buong pamilya. para Sama Sama Masaya .. 👍❤️

Magbasa pa

ok lang yan momshie..bawi nalang sa susunod..ako din walang kapera pera nung 1st bday ni baby kasi parehas kami walang work ni Mr sa ngayon.. mga kapatid ko lang ng sponsor ng konteng salo salo namin.. nakakalungkot kasi plan ko din na ecelebrate ng special kasabay ng binyag pero wala talaga..mahirap ipilit..ang importante yung needs ni baby at future ni baby.

Magbasa pa

Okay lang namab kahit d kayo mag pa party pandemic din ngayon i suggest sa bahay nalang po kayo para safe and mag take out nalang kayo sa jollibee if want nyo po tapos cake ang mahalaga healthy kayo healthy si baby magkakasama kayo bawi nalang po kayo pag nakaluwag luwag na ☺️

no problem sis. kahit anung paraan niyo po i celebrate ang bday ni baby. wag po kayong mag alala sa iisipin ng iba. Ang mahalaga po ay ligtas at buhay po kayo. Maging masaya at mapagpasalamat. God bless po sa inyong family 😇

And also wag nyo pong gayahin yung ibang magbibirthday :) We do have different persective and I'm sure mauunawaan po yan ng baby nyo ❤️ Wag nyo ipush kung tight po, as long as healthy si baby 🥰

Ok lang po, as long as na poprovide nyo yung needs ni baby, and mahalaga din ay healthy kayo and baby. If nakaluwag luwag na kayo dun nyo nalang bawiin, wag kayo magpa apekto sa sasabihin ng iba.

mommy hayaan nyu lng po ung mga taong super makalait sa sitwasyon nyu. Kung ano lng po ang makayanan ng bulsa. Oks na oks na yan. Ang mahalaga healthy po kayong mag-anak.