CEASARIAN MOM

Hello po okay lang po ba magbuntis ulit ang cs mom? Cs po ako nung 2021 sa pangalawang baby ko po 1yr and 7 months na po sya tapus ngayon pong buwan di pa po ako nireregla date 22 po lagi datingan ng regla ko tapus nung 27 nag try ako magpt pero negative po hanggang ngayon di pa dumadating regla ko kinakabahan po ako baka buntis ako kung sakali po ba pwede na po ba ulit ako magbuntis? Please pasagot po!

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pwede naman po. Kaso baka macategorize lang po kayo as high risk pregnancy dahil sa pagitan ng pagbbuntis and most likely repeat Cs dn po. Ganyan dn po ako. Cs ako sa unang baby ko and nabuntis agad ako after 1 yr 3 mos. Paalaga lang po kayo sa OB para safe po kayo ni baby.

3y ago

Yes po. Automatic CS na po agad. Wala pong choice.

pwede naman po ng mabuntis lalot cs po kayo. ganyan nangyare sa kakilala ko, 9months palang baby nya and then nabuntis po ulit sya. cs din yun

3y ago

Cs po ba ulit sya?