HELP MGA MOMMIES 😭

Hello po, namatay po ang aking lola at nasa probinsya sya. ngayon gusto ako pauwiin ng pamilya ko doon kasi po para sa libing nya. ang kaso mga mi kung uuwi kami dun , baka pag uwi namin wala na kaming makain. kasi malaki ang pamasahe at kami nabubuhay lang galing sa sahod, ung extra namin hinuhulog ko sa savings ng baby namin at pang emergency na rin. hindi yung maintindihan ng pamilya ko. hindi naman mabubuhay yung lola namin oag umuwi ako dun. sinasabi pa ng nanay ko na hindi din daw sya uuwi habggat di ako uuwi. hindi ko na alam gagawin ko. nasakit na ulo ko kaiisip. tulong po sa perspective nyo. salamat po #pleasehelp #advicepls

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Wala naman po silang magagawa kung talagang wala kayong pamasahe pauwi, unless na sila ang magbibigay ng pamasahe nyo. Ipagdasal nyo na lng po kaluluwa ng lola nyo, tiyak na maiintindihan nya ang sitwasyon nyo. As for your nanay, desisyon nya yun. Baka ayaw nya lng din umuwi at ginagawa ka lang nya scapegoat, or if dahil gusto ka lang nya imanipulate at iguilt trip--eitherway ay hindi tama. at kung totong hindi nga sya pupunta, then that's on her and not you. Hindi mo kasalanan yun regardless kung ano ang sabihin at isisi ng iba sayo. Kung talagang mahal ka ng pamilya mo, maiintindihan nila ang sitwasyon mo. If magagalit sila, then they don't really care about you at dahil sa namimilit sila, I'm inclined to think na may ulterior motives sila kung bakit. Ako nga dito lang sa bicol, nung namatay lola ko sa bulacan, ang tatay ko na mismo nagsabi na kahit hindi na ako umuwi at ipagdasal ko na lng ang lola. Naiintindihan nya ang hassle on my part, although pinilit ko pa rin umuwi kasi kaya naman kahit papaano.

Magbasa pa
1y ago

ayun nga mii eh mas coconsider ko pa siguro pag ang sinabi ng nanay ko is sige anak naiintindihan namin, hindi eh ang sinabi pa ayaw ko daw na sya makita, lalo akong tinamad magpaliwanag. maraming salamat mommy. naiintindihan ko na rin talaga ugali nila.

mhie sabihin mo nalng kesa uuwi ka padala ka na lg ng pera ng pandagdag gastos sa kanila. sabihin mo na mas magastos pag uuwi ka at may trabaho ka din. ipagdasal mo na lng si lola mo. sala wala namn sila magagawa kung hindi ka uuwi at kung d ka parin nila maiintindihan mas mabuti pa huwag mo nalng muna sila pansinin para iwas stress na din..sa part naman ng nanay mo ei parang ewan ung rason niya saka LITERAL NA NANAY niya yun tapos ikaw pa ung rason bakit d siya uuwi dba? paintindi mo din sa nanay mo kasi sitwasyon mo. sabihin mo na lng kung ayaw niya umuwi doon huwag ikaw ung irason niya saka d mo naman hawak pamasahe niya ei.

Magbasa pa
1y ago

nagbigay na rin ako mi sabi ko ipadala ko nlang kesa pamasahe para mapakinabangan. sabi ng ate ko kung ano lang makaya ko. nagbigay ako ng kaya ko, pagkailang araw nagchat sakin at pinipilit ako umuwi kesyo minsan lang daw magsama sama at sinabing kulang pa rin daw binigay ko. dun palanh nawalan na ko ng gana. ayun restricted silang lahat sakin. ang hiling ko sa pasko peace of mind lang hindi ko pa natanggap

d naman cguro big deal yan mi. saka maintindihan yan ng lola mo sa kabilang buhay. ang importante na present sa lamay at libing nya yung mga anak ng lola mo.