Tagiliran na sumasakit

Hello po. Naexperience nyo po ba yung sumasakit yung tigiliran sa may bandang kanan? Yung parang sa ribs, sa ilalim ng kanang d*de? Ilang araw na kasi sumasakit hindi na nawala. #2ndtrimester

9 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ako po nagkaganon before parang may naipit lang daw po pero hindi naman ugat naipit, nakalimutan ko kung ano tawag. sa left side sakin akala ko sakit sa puso, may pinainom lang na gamot eventually nawala naman, binawalan lang ako magbuhat ng mabigat lalo mga shoulder bag or backpack

sakin naman nawawala siya and minsan minsan lang nakakaramdam nung chineck ni Ob ko parang ultrasound din wala naman daw laman or something baka dahil sa paglaki lang ni baby. if hindi mo na kaya yung pain better mag pa ER ka or follow up with your Ob

ako din ngayon sumasakit, left side nmn sa akin. observe ko muna kasi ok nmn si baby. feeling ko din dahil sa paglaki ng tummy ko at nahihirapan ako matulog dahil mabigat nadin siya.

Yes po sis ako po naexperience ko din yan pinag LAB po ako ni OB and okay naman po result walang infection or kahit ano po kaya daw po ganun kasi lumalaki si baby.

TapFluencer

actually parang may ganyan ako during my pregnancy pero nawala wala din nmn. kaya dko na winorry. pero if palaging masakit for you, let your OB know na lang po

Naexperience ko rin po sya nung nasa second trimester ako. Masakit nga po sya. Kahit tumayo ka or umupo di nawawala ang sakit.

1y ago

Hinihilot ko nga po eh, katagalan nawawala tapos babalik din 😅

Same po sakin pero tolerable naman Kaya hinayaan ko lang, nawala din within a week.

si baby po ata yan nakasiksik, ganyan din kasi ako nung preggy ako.

Ako po nun Oo,nawala din nman after mga 3-4days