Privacy Policy Community Guidelines Sitemap HTML
I-download ang aming free app
Hello po mommies. Sobrang bigat ng loob ko ngayon dahil sa sitwasyon ko nasa 40 weeks and 6 days na ko pero no sign at contraction pa rin ako. Kanina nag punta ako sa OB (first time ko mag pa OB) niresetahan ako ng evening primrose good for 7 days at EI ako nasa 1 cm pa lang daw po ako at may malaking chance na ma CS ako sobra sobra ko pong dinamdam na ma C-CS ako dahil walang wala po kami ngayon ng partner ko dahil yung pinapasukan kong work nag sara na last July kaya wala akong natabi partner ko naman last Aug lang nag ka work e sya na po sumasagot sa lahat ng gastusin ko bills at rent wala rin po kaming natatabi dahil nag bili po kami ng gamit ni baby. Di ko na po alam gagawin ko ngayon at di ko rin po alam san kami kukuha pang CS ko. Yung public hospital dito samin may positive covid patient at ilang staff din po ay may nacovid kung private naman po talagang di namin kaya nasa 25k pataas po ang normal sa private hospital pano pa po kaya kapag CS na. First time Mom po ako kaya sobra po akong nalulungkot sa sitwasyon namin ngayon parang feeling ko di ko nagawa ng tama yung pagbubuntis ko feeling ko ang iresponsable ko di ko ngayon alam pano kami makaka ipon ng pera pang CS. Kanina pag labas ko sa room ng OB nag punta agad ako sa CR at umiyak hanggang ngayon naiiyak ako sa sitwasyon namin. Di ko na po talaga alam pano kami ngayon. Wala naman po kami malapitan ng partner ko. Baka may gustong tumulong po sa inyo tatanawin ko pong malaking utang na loob yun ayoko po sana mag post ng ganto pero walang wala na po kasi talaga kami baka po may gustong tumulong jan eto po Gcash number ko 09668642596. Pasensya na po :( #firstbaby #1stimemom
Excited to become a mum
Sis, nagtry ka na mag apply ng Philhealth as indigent? If not, punta ka sa brgy nyo ask ka kung paano. Sponsored kasi yang category na yan, pag ginami mo zero bill ka or kung may babayaran man hindi sobrang laki.
Thank you po pero mukang manganganak na po ako ngayon
Kate Fontanilla