Pakikisama
Hello po mommies maglalabas lang ako ng nararamdaman ko dito, lately kasi nastress ako kakapanganak ko palang din kasi sa bunso ko at may toddler pa ako (nilalagnat tapos 2 mos si bunso hirap magalaga ng sabay huhu). At may dumagdag pa sa iisipin ko, kanina kasi kinausap ako ng tita ko (bali stepmother po sya ng lip ko) na sana daw matuto ako makisama, kanina po kasi andito yung tita ko sa bahay at may biglang bisita po sila, magkakape sila sa labas,nasa labas din po kami ng baby ko at toddler ko nagpapahangin. Nakipagusap naman ako sa bisita po nya kasi pinuri po nila baby ko so ako po onting kwento lang din. Mejo mahiyain din kasi ako pag di ko close yung tao, so onti lang mga nasasabi ko. Tas yung tapos na kumuha mg kape si tita umupo na din sya at nagusap usap na sila kaya pumasok na ako sa loob since nagmumuryot na din ang baby ko padedein ko na din. Then maya maya po pumasok si tita sa kwarto may inask lang sya sakin at yun napagsabihan lang ako na dapat daw nakikisama "oy *name ko* dapat nakikisama ka din, wag ka lagi kulong sa kwarto. Yung si ano sabi sakin di ka man lang daw ngumingiti, jusko mag isang taon kana dito galaw galaw aba" ayan po pagkakasabi mejo pinaikli ko lang hehe. Mabait naman po si tita, kalog, madaldal at friendly may pagkachismosa din char haha. mejo nahurt lang ako sa sinabi nya. Di ko alam ano pang pakikisama gagawin ko kasi close ko naman sila at hindi naman ako sanay dumaldal ng dumaldal pag ibang tao lalo di ko close. Lumalabas labas din po ako ng bahay kaso minsanan lang talaga hehe. Si tita kasi is madaldal talaga as in halos lahat ng makakasalubong nya kilala nya😅 eh ako po hindi ganon. Tumira nga ako dati sa kamaganak ko mula grade 4 hanggang paglaki ko ni wala ako kilala sa mga kapitbahay kasi taong bahay lang talaga ako non huhu lalabas lang pag may bibilhin😅 may mga friends naman ako noon kaso mga naging work mates ko lang din. Kaso simula din magkababy ako mas comfortable ako pag nasa loob lang ng bahay at wala masyadong kaibigan. Tapos halimbawa pag may makakasalubong ako pag nasa labas ako ng bahay umiiwas ako or magtatago kasi ayoko makipagkwentuhan haha nahihiya ako at di ko alam pano sisimulan makipagusap. Sino po ba dito same Kong mommies na may pagkaintrovert? Huhu ang hirap kasi akala ng iba mataray ka or maarte🥹