Monthly period.
Hi po mommies, can i ask po kung ano pwede gawin para magkaroon ng mens. Hindi po kasi ako dinatnan netong April. Mag 6months palang baby ko, Pahelp naman po. Stressed pa ako sa partner ko.😭 #pleasehelp #worryingmom #advicepls
hello po! kapag pure breastfeed po kayo normal lang po di magkaroon agad. kasi yung sis in law ko 1 year bago dinatnan. Pero ako pure bfeed after 2 months dinatnan ako.
Minsan po stress nakaka delay din po ng mens. Ako po 8mos na si baby nung dinatnan. nadedelay din po paminsan minsan. pati cycle po nag iba din. Try po pt para sure po
Pag bf ka sa baby mo normal di ka magkakamens usually umaabot ng 1yr yan bago magkaroon.
same here mii. mag 7 months na baby ko wala parin akong mens. nakakaparanoid tuloy
same problem sis, 😭 kaya ako search search ng foods na pamparegla
Meron po ba kayong alam mga mommy para reglahin? stressed na po ako.😭
hello po mas maganda mag pt ka muna. meron mga gamot pamparegla pero hindi ka pagbibilhan pag wala kang reseta. pag pumunta ka ng ob, ganun din pagtetestingin ka muna ng pt bago ka resetahan ng gamot. as for food wala ako alam na pamparegla. kung nagsesex po kayo ng walang proteksyon baka buntis ka po. or pwede ding breastfeeding ka kasi kaya hindi ka muna nireregla. kaya important po mag PT.
nagkakaabnormal mens talaga mi
same Mommy 7 months palang baby ko paranoid ako, delayed din ako for 7 days na
Breastfeeding ka po ba?
Bakit po mii baka naman buntis ka ulit pt ka po