Need advice

Hello po mga momshie. Tanong ko lang poh ! Sino po dito may baby na palaging nagigising tuwing alas 11 ng gabe at natutulog ng alas 2 ng umaga ! Yung baby ko kasi palaging nagigising tuwing alas 11 ng gabe . Tapus iyak siya ng iyak. Kahit nilalagyan ko naman siya ng manzanilla . Kahit padedein mo iyak pa dn ng iyak. Binabalot ko naman siya ng lampein baka kasi giniginaw kaya siya umiiyak. Pero wala pa din eh .. Di ko alam kong bakit iyak siya ng iyak tuwing gabe. Mga momshie ano po ba yung mga dahilan kung bakit iyak ng iyak yung mga baby tuwing gabe at ano po ba ginagawa niyo sa baby niyo para di na sila umiyak ng umiyak tuwing gabe ?

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ano po age ng baby mo? ganyan din baby ko pero going 3 na sya this july, lately gising sya ng 2am tapos matutulog kmi ulit ng 6am as a working mom hassle .. every time nagigising sya hihingi ng food at milk. Then naisip ko baka gutom sya.. ganun din kasi ang adult kapag gutom kahit anong oras magigising... kaya what i did is try to make sure na busog sya before bed time... sa ngayon ok nman diretso na sleep nya gigising lang sya para magsabi "i want water" after uminom back to sleep na sya .. sana tuloy tuloy na hehe di ko kasi kayang makipagsabayan ng pagpupuyat lalo kapag madaling araw na kasarapan ng tulog 😀

Magbasa pa
2y ago

1month old palang baby ko. turning 2months

ako po nun ay naglalakad, paikot ikot sa kwarto, habang buhat si baby hanggang sa makatulog. gusto ata na un ang pang hele nia. naka-dim ang light. may mahinang lullaby song sa background. optional lang un, baka hindi makatulog ang ibang baby kapag may sounds. salitan kami ni hubby. tinry ko rin and swaddle, ayaw. gumamit din ako ng tiny buds sleepy time.

Magbasa pa

colic yan pag ganyan yung matinding form ng kabag. ask your pedia may binibigay na gamot pa ganun ang colic kasi diagnosed na may colic si baby if -.umiiyak ng halos 3hrs na kahit nakadede o tuyo ang diaper o hinihele na o okay naman temperature ng paligid, tapos sobra na sa 3days na nangyayari yun ng paulit ulit na iyak na yun..

Magbasa pa
2y ago

tuwing gabe siya umiiyak. minsan di namin maintindihan kung bakit siya umiiyak ! minsan utot din siya ng utot. ilang days na siyang umiiyak tuwing gabi.

ganyan din yong baby namin... Ako Ang gumigising pra mgtimpla Ng gatas at padedehin then pagkatapos kusa siyang matutulog... pero kng Hindi nman kinakarga ko xa habang kinakantahan at parang dinuduyan sa akong mga braso...

si Lo kapag nagising ng 1am ..nagiging tulog manok ndin aabutin na kami ng pagsikat ng araw ..iyak din ng iyak ..Makakatulog siya kapag nilakad lakad sa loob ng bahay😅 nging routine na nia ata yun ..

VIP Member

momsh baka kinakabag. e exercise nyo po yong 2 legs nya ng paikot parang nagbicycle, then carefully and slowly push yung mga paa sa tiyan

2y ago

yung ibig mo bang sabihin yung naka bend yung dalawang paa niya. tapus ipaikot ikotin yung dalawang paa niya at e push yung paa niya sa tiyan para umutot siya ?

Usually po ang baby na sobrang iyakin, kung hindi may masamang nararamdaman,nakukulangan po sa nadedede.