Philhealth.
Hello po mga momshies. Ano po dapat kong gawin para makatipid po sa hospital bill? Wala po akong philhealth. Philhealth id lang pero wala pong hulog ni piso. Ano po kaya dapat kong gawin? Please help! #firsttimemom

Mamsh, mas maganda po na itanong ninyo sa Philhealth desk ng hospital na pagpapaanakan mo kung ilang months yung kailangan mong bayaran para magamit. May hospital kasi na kahit 3 months lang yung hulog pwede na, meron naman na kailangan 6 months, meron naman na dapat 1 year. Nabasa ko din po yung comment mo na ayaw kang palipatin sa lying-in or sa public hospital. Ayaw ka nila bigyan ng referral, tama po ba? Pwede ka pa din naman pong magpa-check at manganak sa public hospital kahit walang referral from your previous doctor. Nakatatlong palit ako ng doctor/hospital lahat yun di nagbigay ng referral, basta may copy ka ng lahat ng ultrasound at laboratories mo pwede kang lumipat, kasi yun yung hihingin nila sa'yo sa unang checkup mo.
Magbasa pa



i am now officially a mommy ♥️