24 Replies
Mamsh, mas maganda po na itanong ninyo sa Philhealth desk ng hospital na pagpapaanakan mo kung ilang months yung kailangan mong bayaran para magamit. May hospital kasi na kahit 3 months lang yung hulog pwede na, meron naman na kailangan 6 months, meron naman na dapat 1 year. Nabasa ko din po yung comment mo na ayaw kang palipatin sa lying-in or sa public hospital. Ayaw ka nila bigyan ng referral, tama po ba? Pwede ka pa din naman pong magpa-check at manganak sa public hospital kahit walang referral from your previous doctor. Nakatatlong palit ako ng doctor/hospital lahat yun di nagbigay ng referral, basta may copy ka ng lahat ng ultrasound at laboratories mo pwede kang lumipat, kasi yun yung hihingin nila sa'yo sa unang checkup mo.
mga moms..same case ko din po about sa philhealth.. bale etong bby ko sa tummy sa 2nd husband ko.. (hiwalay na po kc kmi ng asawa ko 7 yrs ago) he is 4ps benificiary may philhealth sya..pero i know na hindi un magagamit sa panganganak ko.. ako nmn po philhealth member since 2015 pa..voluntary then nalipat sa migrant worker (abroad) last feb 2020 to july 2020 may hulog sya fr the agency..then na stop ko sya.. this july 2022 ko lng po uli na update and na transfer ko na uli sya sa voluntary nahulugan ko sya ng 1 month (400 pesos).. i'm still worried baka kc hindi ko magamit sa hospitalization ko during my delivery.. kc nakakabit dun ang surname ng real husband ko...any advice po mga moms😚 tnx in advace
ako mii 2017 ako nagka philhealth miski piso wala pa hulog ngayon manganganak na ulit ako sa nov. pumunta ako sa philhealth ang sabe sakin simula ngayon buwan nato kailangan bayaran hangang pagka panganak mo so sept to dec ang kailangan kodaw bayaran ngyon dahil sa dec ako nanganganak magagamit kona daw pero ang binayad ko mona 2mons 800 mona sa oct na ulit ang 800 hangang dec na yun. para sure ka pumunta ka sa pinakamalapit na philhealth sainyo pra mag tanong
Sige sis. Salamat
1. dpat po un hospital is philhealth accredited 2. if sa government hospital ka po manganganak, pwedi po nila renew un philhealth mo by means po Point of Service (POS). 3. if sa private, pwedi pa po byaran ang philhealth contribution for 1 year para ma avail. sabhin lang po na Woman to Gave Birth pra on that day magamit din ang philhealth. pkita lang po proof of payment sa philhealth desk ng hospital.
yes po, under woman to gave birth na tinatwag nila. pero mas maganda magbyad na agad ng philhealth contri kasi my mga private hospitals na daming hinahanap pra mkpag claim sa philhealth. if employed ka, be sure na updated agad si employer mo.. if Individually paying naman, tabi mo resibo mo ng 1 year.
Mag inquire po kayo s Philhealth.. Pwd nio po sya hulugan hanggang s panganganak nio po. Ako po team November.. Nag punta po aq ng Philhealth nag inquire ako.. Binayaran kopo jan-nov 2022 para magamit kopo ung Philhealth ko. 400 monthly.. Pwd po hulugan or pwd nio npo bayaran lahat.. Ako po kz binayaran kona jan-nov 2022 para nd npo aq pabalikbalik s knila.. 😊
Sige mi noted. Salamat
kung normal delivery ka lang naman po, ipunin mo na lang po kesa ipambayad sa philhealth. sobra 13k din nabayaran ko sa philhealth gawa ng nirerequired nila pabayaran yung 2019. pagkakaalam ko 6,500 lang ibabawas pag hospital ka manganganak. check niyo na lang po sa online kung magkano lang naman mababawas ni philhealth sa panganganak.
Ok. Thank you po
Try niyo po sa Lying-in magtanong, kung hindi naman po kayo High Risk makakatipid ka sa Lying-in, ako nung nanganak ako sa City Health Office Lying-in wala silang sinisingil kahit piso pati Newborn screening sagot po ng Philhealth. First baby ko and nag-ingat akong hindi maging highrisk para makatipid. 😅
momsh, bayaran mo kahit 3 months lang muna para maging active ung Philhealth mo. 400 per month po ung bayad. sakin inupdate ko nung Monday ung Philhealth, pinababayaran lahat ng months na hindi nahulugan para maging active ulit. for 1 year na hulog ung binayaran ko. almost 5k rin
Ay ganon po ba? medyo mahal din po palam
Hi Mommy, try to ask mga government hospital sa area nyo po. Alam ko po meron silang Malasakit Center na pwede po makatulong para mabawasan po yung hospital bills nyo po. Try nyo din po isearch sa google kung paano at ano anong hospital ang meron non.
yes tama ka paq nasa semi ka di ka nila e refer sa public dahil di sila naq bibigay nq referal jan ka talaqa manqanqanak.....
Kelan due mo mi? Sa pagkakaalam ko po pwede namang hulugan ang philhealth mo ng voluntary. Sobrang laking tulong ng philhealth when it comes sa hospital bill. Punta ka na sa nearest philhealth office sainyo mi.
Same tayo Dec ang due and this October palang din ako maghulog ng Philhealth ko. Kaya go mo na yan mi, hulog na hehe.
Karen marquez