paano malaman po kung nagloloko na asawa mo

Hello po mga momshiee buntis po ako ngayon, may kutob po kasi ako nagloloko na yung asawa ko. Pero pinipilit ko na hindi maisip kasi makakasama sa baby ko. Nagwowork po kasi siya sa ngayon tapos lagi niyang kasama babae tapos nagchachat silang dalawa lagi siyang hinahanap ng babae syempre ako naman po nagtatanong sa trabaho lang daw niya yun. Kung gusto ko daw ako nalang mag trabaho. Pero kasi nakakasakit sa damdamin lalo na buntis ako pakiramdam ko tuloy daming kulang sa akin. Kasi pag buntis ka po papangit talaga katawan at mukha mo tataba ka pa. Iniisip ko nga po ihanda ko na sarili ko kung sa kaling ganun di na ako masyado masaktan para sa anak ko nalang kahit wala na siyang tatay. Late na din po kasi siya umuuwi kaya minsan kung ano ano naiisip ko di pa naguupdate sa akin

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Paki sabi po sa kanya, siya na lang po ang magbuntis x10 😬✌️ Hindi po biro ang pinagdadaanan natin mommy. Higit pa po sa kahit na anong trabaho sa mundo ang pagiging ina. Konting consideration lang po sana sa feelings niyo. Kung mas ipagtatanggol pa niya yung babae/work kesa sayo, let go na. Isipin mo na lang kayong dalawa ni baby.

Magbasa pa