New born baby

Hello po mga momshie, tanong ko lang po kung normal lang po ba sa new born ang madilaw sila? napansin ko kasi na madilaw ang gilagid at mata ng baby ko tapos may pula pula kung mapapansin nyo sa pics 1 week pa lang po kasi ang nakaka lipas sa sep 9 pa ang check up namin sa pedia nya kaya nag woworry po ako. Please help po. Thank you! #1stimemom #advicepls #pleasehelp

New born baby
9 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ilang days na po ba mi si baby? may tinatawag po tayong pathologic and physiologic jaundice, pag with in 24 hrs pagkapanganak nanilaw si baby tinatawag syang pathologic jaundice kung saan maaring may problema kay baby at mapacheck agad sa pedia pero kung after 24 hrs naman po lumabas ang paninilaw na kung tawagin ay physiologic jaundice ibig sabihn po nagbibreakdown lang yung rbc mo mi na npunta kay baby thru the placenta, need lang paarawan si baby around 6am to 8am

Magbasa pa
2y ago

no worries mi, hopefully maging healthy dn ang baby namin paglabas ?

Normal po na karamihan sa newborn is madilaw maya advisable po tlaga na paarawan sila at least 15mins sa harap at 15mins sa likod every morning if hnd naulan sainyo. Keep paaraw lang po mawaaala din yan eventually. mhirap lang kapag tag ulan tlaga

2y ago

thank you po

TapFluencer

Hi My, nabasa ko naman ibang comments dito na paarawan si Baby, pero since maulan po ngayon pwede po kayo magpailaw sa room nyo yung yellow ang color. yon po advise sa amin ng Pedia, kasi nung time na yon maulan at naka quarantine pa kami.

2y ago

thanks mi, yun nga din po inaalala ko since maulan po walang araw.

VIP Member

yes po, madilaw din po si baby nung nasa hospital pa kami. Pinaarawan po namin everyday, mga 15 mins every 7am. Nawala po paninilaw nya sa mukha, ung sa gilid ng mata medyo matagal nawala

Hello Momshie! Every morning po paarawan nio si baby. Tapos kung may breastmilk ka po lagay ka sa bulak tapos ipahid nio po sa mukha ni baby every morning din. ?

2y ago

every morning before or after po mag bath time?

di po normal. pero maraming newborn ang nagkakaganyan. kaya parang kino-consider na lang ng lahat na normal siya. need po paarawan.

Parang di po ata normal. Paarawin nyo po muna siya every morning 7-8am

2y ago

ako po baby ko may ganyan pero now 2weeks na kmi nawala naman n un paaraw and panatilihin lng fresh c baby nawala ung mga red n pantal s katawan nia

everyday mo paarawan momsh, 6 to 7 am. diaper lang iwan mo na suot nya

paarawin mo po sis.