5 months na si baby pero mahaba parin ulo nya

Hello po mga momsh 👋 ask ko lang po ano po kayang pwedeng gawin sa ulo ni baby? 5 months na po sya at medyo mahaba parin po ulo nya? Diko po kasi lagi nahihilot noon sa madaling araw dahil nga po sa sobrang puyat at antok dahil wala din po ako katulong magbantay sa kanya sa gabi. Mabibilog pa po kaya ang ulo nya? #advicepls #pleasehelp #worryingmom #firstbaby #1stimemom

5 months na si baby pero mahaba parin ulo nya
14 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hello same po tayo sa baby ko. Mahaba rin po ung ulo nung lumabas. Pero nung pagka 7mons nya napapansin ko na konti konti naman po sya nagbabago. Di ko din naman nahihilot since wala rin ako iba katulong kay baby. Sabi ng ibang tao hilutin daw. Pero sabi ko sa sarili ko at ng pamilya ko di bale na kung di man magbago importante healthy si baby. And now going to 11months na siya bumilog naman po siya ng kusa. Di na ganon ka haba. 😊 Siguro nga isa na din ung dahilan ay lagi ko siya pinapatagilid since pawisin kasi ung anak ko at until now gamit pa din nya ung nursery pillow nya ng may butas sa gitna.

Magbasa pa