Enlighten me pooooo

Hello po mga mommy, sino po dito nagkaroon ng same case sakin? Sabi po ni ob malambot na cervix ko 26 weeks palang po kami ni baby may spotting din po ako at nag pre labor... 😭😭😭 natatakot po ako sa possible mangyari samin ng anak ko 😭 may resita po sakin pang pakapit at after ko po sa ggamutan may naka abang na na lab test mataas daw po sugar ko at itetest ako after 1 week kung may diabetes ako 😭😭😭 sa mga nagka same experience po tulad sakin kamusta po? Okay po ba si baby? #englightenme

Enlighten me pooooo
10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

momsh wag magpakastress ganyan din ako. pre term si baby. 36 weeks lang. okay na sya ngayon. naiwan sya sa NICU for 4 days tapos sa bahay tinuloy gamutan para sa infection. yun naman sa GDM nacontrol ko naman kain ko kaya d naman nagkaron problema si baby. sa Anemia sinalinan ako dugo 3 bags before manganak. 2 bags after manganak. nag spotting din ako pero 1st trimester lang. nagkwekwento ako para d ka mastress. kaya yan momsh. gawin mo inom ka pampakapit. wag na wag ka magkikikilos. tatayo ka lang pag mag ccr. kahit pagkain mo sa kama ka kumain. sa UTI naman more water though sa part ko 3x umulit UTI ko kahit ginawa ko na yan. take antibiotics na ibibigay ni OB. kung nakaya ko sa dami complication ko nung buntis sure makakaya mo din yan 😊 pinakakalaban mo dyan ay stress momsh. wag ka magoverthink.

Magbasa pa
2y ago

36 weeks daw momsh borderline na yan. Nanganak ako sa maternity clinic at 36 weeks and 1 day tapos breech pa si baby buti na normal ko at hindi po siya na nicu. Bedrest din ako 1st trimester at may gamot pampakapit. Nagka GD din at UTI po. Sinunod ko lang po talaga sabi ni OB kahit yung advice nya huwag magpahilot dahil baka magka cord coil. Na stress po ako paano ma cephalic si baby but na realize ko na mas magiging okay kami ni baby kung hindi po ako ma stress sa pag o.overthink 😁

Hi mommy ako po, nag-pre-term labor ng 3x @ 15-18 weeks of pregnancy, same sa iyo malambot din ang cervix ko sabi ni OB tsaka previa rin ako noon. Admitted sa hospital 3x din kasi din ko ma-IV for meds bukod sa oral meds. Super mataas din ang UTI ko noon. Awa ng Diyos, ayos naman kami ni baby, 27weeks na ako ngayon and tumaas ang placenta ko. Wag ka magtatayo mommy, ako total bedrest as in, maski mag CR sa bedpan ko ginagawa lahat, walang tayuan. Sundin mo lang si OB mo mamsh, kapag may any slight bleeding pr discomfort ka sabihan mo agad si OB. Kpag sinabi niya need mo i-admit, magpa-admit ka agad. Normal lang na nakakatakot talaga, pero trust your baby, your OB and your self. Tsaka madaming dasal, kausapin mo si baby. Huwag mo rin himasin iyong tiyan mo palagi, nakakacause ng contraction sabi ng OB ko.

Magbasa pa
TapFluencer

trust your OB and trust your guts mommy if you feel something that is not right. kausapin mo agad OB mo. bukod sa possible diabetes, may anemia ka fin at UTI. Just keep on praying mommy walang impossible kay Lord and always remember na nandyan sya sa tabi mo palagi. Mag bed rest ka mommy at iwasan mag puyat. Kumain po kayo ng gulay and try prune juice at iwas sa matamis. God bless you and your baby mii

Magbasa pa

Sundin niyo lang po mga payo ng OB ninyo, tiis lang po at iwasan ma-stress hanggang maaari. May gestational diabetes din ako at nag pre-term labor din po ako at 32 weeks, si baby nasa NICU pa rin, pero bumubuti po kalagayan niya. Ang importante po ay ligtas niyo po si baby ipanganak, kaya update niyo po OB ninyo agad kung may kakaibang nararamdaman o discharge.

Magbasa pa

hi po nanganak aq ..sept 25 po. 34 weeks lng c bby ganyan din po sinabi sakin noon..2 times po aq nag bleeding sinugod po aq east ave.and amang rodriguez po..kala ko ma encubator sya pero healthy po sya at ok nmn ng lumabas

ganyan den saken nag spotting po ako tas pag checkup ko malambot po cervix ko tas nag preterm labor den po ako 24weeks may nireseta saken 3xaday ko iniinum at complete bedrest thanks god po 36weeks nako ngayon

nag vivitamins ka po ba palagi? may uti ka kaya pwede ka manganak anytime. may anemia ka din kaya tlgang mag preterm labor ka. sundin mo po OB mo inom lng mga gamot st bedrest ka at syempre Prayers din mommy.

2y ago

yes mi nag ttake po ako ng vitamins

same mommy, 20 weeks ako na confine dahil sa uti daw kaya ganun. :((

VIP Member

may UTI ka pa mi at anytime pwede ka magpreterm labor 😒

2y ago

ayun nga po 2nd time na tong uti ko

malaking tulong po ang bed rest at yung pampakapit.

Related Articles