February baby

Hello po mga mommy, sino po ang mga FEBRUARY EDD 2023 po dito? Kamusta po kayo? :)

51 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Heree Feb 23 edd ko po heto at ramdam ko na si baby ko at Malakas na din HB nya na at makulit grabe ang pag aalaga ko sa kanya kasi Nakunan na ako sa first baby ko 3 months sya ng mawala sa akin kaya ngayong buntis ako sa baby ko sobrang pagiingat ko iwas ako sa mga magigibat na bagay at hindi masyadong gumagalaw at worry ako sa kanya at baka konting galaw mawala ulit sya sa akin kaya salamat sa diyos at malakas sya sa loob ng tyan ko at sobrang supportive naman sa amin ang papa nya at sobrang mahal kami

Magbasa pa
2y ago

same po tayo mamii iwas din ako magkikilos kase breech pa si baby, sobrang likot niya no? nakakatuwa ng puso pag nararamdaman natin mga baby na active sa paglilikot, kadalasan to naglililikot kapag busog. hehe

hello mamshie. feb 28 edd ko. sa friday pa ko magpa pelvic ultrasound para malaman na namin gender netong chikading na sobrang likot na. kahit kakatapos mo lang kumain or yung magpapahinga ka na, sobrang likot na. siguro nag eenjoy syang lumangoy sa loob hehehe etong tatay naman sobrang saya nya pag lumilikot ang baby. first time mom here kaya nahinto muna sa pagwowork, natatakot akong bumyahe, mahigit 2hrs pa naman byahe ko vice versa. anyways, 22 weeks and 1 day 💜 keep safe sating mga mamshies ❤️

Magbasa pa

feb 7 edd ko, pero mga january ako manganak payo ng ob and cardio ko cs since my heart condition ako, laban lang kahit high risk ang pregnancy ko ☺️ 6 years namen hinintay to ng hubby ko kaya, first time mom here at the age of 35, kakayanin lahat para kay baby ☺️

2y ago

hi Mie may gender ba pa baby nyo?same age po tayo 35 hoping for a baby boy 🙏

feb 10 end ko , malikot n baby ko sa tyan 6months n ako ngayon mga mommy ,normal po b makati pempem makati kasi lagi pag hndi ako mghugas hndi mawawala tapos maya maya makati nnaman sya, makti po yung lumalabs sa pempem ko na parang milky white na walang amoy , pero makati po sya sa pempem

FEB 17. FTM, sometimes confused, struggling but overall Im okay. Buti na lang andyan mommy ko to tell me whats really going on, and if its normal o hindi lalo na pag napapraning ako kahit sa minor changes.. LOW LYING PLACENTA. Praying na iangat ni baby para di ako ma CS. ❤️

TapFluencer

feb 11 po EDD ko. malikot na sya sa loob parang nalangoy at nagpapadyak ramdam ko ung paa nya sa pwerta ko banda nakakagulat pag nasipa sya don breech pa kasi sya. alam na din gender 🥰🥰🥰

2y ago

ay mauuna ka sakin mag CAS mhie. sa Nov 5 pa

feb 23 2023 edd here. pitik pitik pa lang nararamdaman ko sis. tskaa until now panay suka pa din ako sa gabi hehe. nakakapagod na minsan maglakad papuntang work kasi bumibigat na sya tho sabi nila para akong di buntis kasi liit pa din tummy ko 😅😂

Feb 15 edd ko sa app, pero sa utz feb 18, 26 wks na po sa pang third na baby. sobrang likot since pumasok na kmi sa 4mos pa lang. ung iba pitik pitik pa lang narramdaman pag ganyang month pero ang baby ko sobrang active 😁

aqo Feb 13 po .. first time mom po yung baby qo sa gabi maq likot yung tpong gusto qo nang matulog kaya lng pakramdam paikot ikot sya sa loob tax sa madaling araw maggsing aqo magalaw sya.. 🙂😊

hello mga momsh.. currently at 19weeks po... d ko pa po ma feel mga tiny kicks ni baby. normal lang po ba? First time mom din po.. 😊 pero pag e checheck ang heartbeat nia sobrang likot po sabi po OB..