Pwede mamsh pero bawal pagsamahin ang mga napump na milk ng magkakaibang oras ha. Hiwa hiwalay po ng bote. Ang best time po to pump is pagka 6weeks old na si baby para po stable na ang milk supply mo. Para iwas po sa oversupply. Normal lang po na magkasugat sa nipple lalo na kapag newborn si baby. Pero as early as possible po turuan po ntin si baby ng deep latch para po hnd matuluyan masugatan yung nipple nyo. And every after feeding ni baby airdry lang po ang nipple wag punasan ng towel or kht na ano. Hayaan nyo lang mahanginan nipple nyo hanggang matuyo laway lang din po ni baby makakapg pagaling jan 😊 happylatching po ❤❤
Shiela Marie Cayaban