Need help po mga mommy dyan
Hello po mga mommy dyan , ano po ba gamot dito, na aawa na po kasi ako kay baby 🥺 pag pumupunta kami ng center laging walang doctor kasi nag vaccined daw po, wag nyo po ako ibash , hindi po kami makapagtabi ng pera pang papedia kasi sakto lagi ang sinasahod ng asawa ko 🥺 kaya sana wag nyo po ako ihate , hindi po ako nagpabaya. Simula nang tag lamig gumanyan yyng face ng baby ko#pleasehelp
kawawa naman po si baby. wag na po kayo magexperiment ng mga gamot. mas maigi po na wag nyo na po patagalin at ipacheck up nyo na po agad sa pedia. ipangutang po ninyo kung kelangan.
breastfeed ka po ba mommy? try nyo po muna iwasan kumain ng malalansa pero mas ok po kong laanan nyo po sya ng pampacheck up para my maipahid po kau jan mi sa face ni baby..
ok po mi.. iwasan nyo lang po muna ang malalansang ulam baka jan din po nagtutriger ang pangangati nya
Baka po sa gamit nyo na panligo nya try nyo po ang pang baby bath na may moisturizer, yon po sabi ng pedia Doctor ng baby ko kasi may ganyan din po siya sa mukha,
baby johson soap po yung sabon nya liquid naman before tas pinalitan ko ng soap
try nio din po mag email Kay doctor mata for free consultation and prescription. send lang kayo ng picture ni baby. lagi po sya nag lalive sa FB
Bepanthen baby ointment yan ginamit ko sa baby ko nung nagkaron sya sa muka at leeg 2 days lang wala na
calmoseptine gamit ko kay baby basta may rashes then lactacyd
E try mo calmoseptine ointment. Effective po yan.
sige po momsh salamat po
aveeno lotion akin relief pwede rin,
mommybtry nyo po yung tiny buds
Preggers