Balakubak sa ulo ni baby?
Hi po mga mommy ask ko lang po ano po kayang pwedeng gawin sa ulo ni baby na madaming parang balakubak makakapal po siya hanggang Nuo niya. Cetaphil po gamit ko sa hair niya.


Cradle cap po yan. Pede lagyan ng virgin coconut oil, tapos suklayin ng dahan dahan pag lumambot
ligo lang ang ginawa ko sa baby ko mi tapos brush mo yung hair. Ngayon wla na ang cradle cap ni LO ko
mustela momsh medyo mahal nga lng pero effective ganyan din si bb ko eh.
ano po klase sa mustela madami po kasi silang products
try mo momshie ung lactacyd na pangbaby Yun Ang ipang shampoo mo ky baby.
natural din po ba na kahit sa kilay nya meron po
Baby oil po Yung panganay ko baby oil lang ginamit ko saknya
paano po i-apply katapos po ba maligo?
babaran nyo po baby oil bago paliguan po
paliguan lng po mii araw araw