PAG TATAE AT NILALAGNAT
hello po mga mommies! Tanong ko lang po normal po ba yung pag poops ni baby ng kulay green? or dapat napo ba ako mag worry?🥺 2days na po kasi syang nilalagnat tapos po 4beses na po ako ng papalit ng diaper nya kaka pupu nyapo and ganyan po yung kulay. hindi naman po ganyan yung poops nya dati. sabi nila nag iipin daw si baby? 7months old palang po yung baby ko and firsttime mom din po kaya dikopo alam yung mga ganyan sana po may makasagot😢 thankyouuu po ❤️
Ang normal symptoms po ng teething ay paglalaway, iritable at low grade fever lang po. Ang pagtatae, and/or sipon at ubo ay HINDI po dahil sa pag-iipin at nakukuha po ang mga yun sa mga viruses, germs o bacteria. Kapag nag-iipin po kasi si baby nangangati ang gums nya at may tendency na magsubo at ngatngat ng kanyang kamay o kung ano man ang madampot nya, at doon sya nakakakuha ng sakit. Make sure po lagi malinis kamay ni baby at mga toys nya, huwag hayaan magsubo ng kung anu-ano para maiwasan ang sakit. Ipacheck-up na lng po at dahil nagtatae, siguraduhing hindi madehydrate.
Magbasa paPacheck up mo na po mommy follow your mother instinct lalo nat nagtatae si baby nakakatakot ma dehydrate po si baby, Get well soon baby