Nilalagnat

Hello po mga mommies. Normal lang po ba na nilalagnat tayo? Takot po kasi ako uminom ng biogesic. Umiinom naman ako ng OB vitamins at ibp na recommended ni OB. Nag tratrabaho po kasi ako sa gabi, andami ko ng absent dahil may araw talaga na ang sakit2x ng katawan ko kahit kumpleto naman tulog ko. Ano po ba ginagawa nyo po pag kayo nilalagnat? Sabi ni OB healthy naman si baby. 7 mos pregnant na po ako, lalo lumalala yung sakit sa ulo huhuhu.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hindi normal ang lagnat buntis man or hindi. Kapag may lagnat tayo ibig sabihin may infection (bacterial or viral) na nilalabanan ang katawan natin. Kapag may lagnat ako habang buntis, umiinom ako ng paracetamol, safe naman yan sa buntis nakakasama din kay baby kapag may mataas na lagnat ang nanay. Kung takot po kayo uminom ng paracetamol magpacheck po kayo sa OB ninyo para malaman kung bakit ka nilalagnat at maresetahan ka ng tamang gamot.

Magbasa pa

hinde ka po ba pinag flu vaccine ni doc mo para iwas malalang lagnat po. ako po kasi nirikumenda netong 2nd trims