Hello po mga mommies. Nagpacheck up po ako last march 23 kasi positive po ako sa pt pero di pa po inadvise na magpa ultrasound kasi wala pang makikita na heartbeat daw (march lang po ako nadelay)
This april 20 po ang balik ko sa ob and sched for transvaginal.
Medyo nakakaramdam lang po ako ng parang sakit sa puson na parang pag may mens po ako. Normal lang po ba yun? Or maselan po ba mag buntis pag ganun?
Nafefeel ko din pag nakahiga po ako na parang malakas ung heartbeat ko. Normal lang din po ba yun?
Wala po kasi akong nafefeel na any symptoms maliban sa pananakit ng boobs. Wala po akong morning sickness or mga cravings pa. Thanks po sa sasagot 😊#pregnancy #worryingmom
Eds Polvinar