Pananakit ng puson at paninigas

Hello po mga mommies mag tatanong lang po sana if ako lang ba nkararanas ng ganito ,currently on my 14 weeks po at dito ko lang na experience yung paninigas bg puson sa may bandang left side, aside from that nilalagnat ako sa sobrang sakit dagdag pa yung sobrang sakit ng ulo. Hindi narin ako nakakatulog ng normal sa gabi katulad ngayon, 2:45 A.M gising na.😢Normal lang po ba ito?

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hi po, 15 weeks preggy here, nararanasan kopo yung paninigas ng left side,pero di naman po masakit yung sakin, matigas lang po talaga sya feeling ko nga po si baby yun, at yung pananakit ng ulo naranasan kopo yan hehe nahihilo din at di makaupo ng matagal, pero sabi naman po part padin po ng paglilihi tas sa pananakit ng puson kapag lumipat kapo ng position or nag iba kapong position at nawala naman yung sakit normal lang po yun kasi nag eexpand po yung uterus, pero kapag unbearable po yung pain or sobrang sakit, mas better ipacheck napo sa OB 😊 try nyo din pong mag pa Urinalysis 😊

Magbasa pa
TapFluencer

hello po . naranasan ko rin Yan nungga nakaraan halos isang linggo ko rin Yan dinamdam . biogesic Lang ang nerisita sa akin . 1 tablet every 6 hours as needed. pero nung hindi pako nag pa check up ang ginagawa ko is lagyan Ng yello yung towel tas lagay sa ulo. halos isang linggo korin dinamdam un

Ako sis 14weeks preggy at may nakitang contractions sakin dahil daw sa stress yun. Siguro dahil di rin ako nakakatulog maayos sa gabi at may gabi na sobrang sakit ng ulo. Niresetahan ako ng duvadilan para daw sa contractions at paracetamol kapag masakit pa ulo

normal lang po yung parang lalagnatin tayo mga buntis mainit mga katawan natin kaya feel natin lalagnatin tayo. pag gabi naman hirap lang din ako matulog sa gabi minsan tulog kona 1 or 2 na ewan koba bat ganun

pacheck up ka na sis...baka...mataas ang UTI mo isa rin yan sa cause kaya sumasakit ang puson at masakit ang ulo

Baka UTI na po yan. Tanong po kayo sa OB niyo para malaman ang gagawin.

Better na magpacheck up kayo